IQNA

11:18 - April 15, 2021
News ID: 3002694
TEHRAN (IQNA) - Sa kauna-unahang pagkakataon simula noong 1992, ang Kanyon ng Ramadan ay ipaputok sa paglubog ng araw sa bawat araw sa banal na buwan upang ipahayag ang pagpuputol ng pag-ayuno (iftar), sinabi ng Kagawaran ng Turismo at mga Unang panahon ng Ehipto.

Ang Kanyong ng Ramadan ay ipaputok mula sa iskuwer ng Museo ng Pulisya sa Kuta ng Salah Al-Din Al-Ayyubi sa Cairo katulad iyon ng dati, matapos ibalik ng Kagawaran ang paggamit nito.

Si Eman Zidan, Pangalawang Ministro para sa Arkeolohikal na mga Pook at mga Museo, ay nagsabi na ang panunumbalik na gawain sa kanyon ay dumating bilang bahagi ng plano ng kagawaran na itaas ang kahusayan ng mga serbisyong pang-turismo sa mga museo at arkeolohikal na mga pook. Kasama rito ang mga serbisyong iyon na matatagpuan sa Kuta ng Cairo.

Sinabi niya na ang kanyon ay ipaputok sa paglubog ng araw sa bawat araw sa panahon ng Ramadan upang ipahayag ang iftar. Titiyakin nito ang pangangalaga ng arkeolohikal na pamana ng Kuta, habang sumusunod sa paggamit ng modernong teknolohiya sa pamamagitan ng pagpapaputok ng isang liser bim (laser beam) sa tabi ng kanyon.

Si Mustafa Waziri, Pangkalahatang Kalihim ng Kataas-taasang Konseho ng mga Unang Panahon, ay nagsabi na kasama sa pagpapanumbalik ng kanyon ang pagtatanggal ng patong ng kalawang na nabuo sa katawan, at nililinis iyon mula sa loob.

Si Osama Talaat, Pinuno ng Islamiko, Koptiko at Hudeyo na mga Unang Panahon na Bahagi ng Kagawaran, ay nagsabi na maraming mga kuwento tungkol sa Kanyon ng Ramadan. Kinumpirma nilang lahat na nagmula iyon sa lungsod ng Cairo, lalo na sa Kuta ng Salah al-Din sa Cairo.

 

 

3474458

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: