IQNA

11:29 - May 31, 2021
News ID: 3002839
TEHRAN (IQNA) - Sinabi ng Palestinong Embahador sa Iran na si Salah al-Zawawi na ang mga taong Palestino ay hindi kailanman naging mas nagkaisa kaysa sa ngayon.

Sa isang pakikipanayam sa IQNA, sinabi ni Zawawi na ang kamakailang pagsalakay sa Israel ay nagpalakas sa pagkakaisa ng mga Palestino.

Sinabi niya na walang maaaring humantong sa pagkakaisa higit sa Jihad, na idinagdag na ang Islamikong Ummah bilang isang kabuuan ay patuloy sa pag-Jihad (pakikibaka) laban sa mga pagtatangka na tanggalin ang mundo ng Muslim.

Inilarawan ng embahador ang kamakailang paghaharap sa kaaway na Zionista at ang paglaban na Palestino bilang mapagkukunan ng karangalan para sa Palestinong mga mamamayan, sa pagsasabi na sila tumayo laban sa rehimeng Israel upang ipagtanggol ang mga kabanalan sa ngalan ng mundo ng Muslim at mga bansang Arabo.

Sinabi niya habang ang 12-araw na digmaan ng Israel laban sa Palestine ay isang hindi pantay na paghaharap kung saan higit sa 200 na inosenteng mga sibilyan ang napatay sa Gaza Strip at ilang mga sampung katao sa West Bank, tinalo ng bansang Palestino ang kaaway na Zionista.

Ang pagsalakay ng Israel sa Gaza, na alin nagsimula noong Mayo 10, ay pumatay sa 253 na mga Palestino at nasugatan ang higit sa 1,900 na iba pa, bago ang isang tigil-putukan na kasunduan ay nagsimula noong Mayo 21.

Ang pananalakay ay sumunod sa mga linggo ng panliligalig ng Israel sa mga Palestino doon sa Jerusalem al-Quds at pagtatangka na agawin ang mga lupain ng Palestino sa kapitbahayan ng Sheikh Jarrah ng lungsod.

Saanman sa kanyang mga sinabi, tinukoy ni Zawawi ang Ksunduan ng Oslo at sinabi na hinihimok nila ang kaaway na Zionista na ipagpatuloy ang mga pananalakay at palawakin ang mga aktibidad sa pagtatayo ng mga tirahan na labag sa batas.

Nagbabala siya na ang rehimeng Israel ay hindi naghahangad na agawin ang buong Palestine lamamg ngunit nais din niyang mangibabaw sa Jordan, Syria, Lebanon, Egypt, Iraq at maging ang Saudi Arabia.

Nais ng US at ng rehimeng Israel na alisin ang paglabang Islamiko sa buong rehiyon, dagdag niya.

Ang Kasunduan ng Oslo Accords ay nilagdaan sa pagitan ng rehimeng Israel at ng Palestine Liberation Organization (PLO) noong unang bahagi ng kalagitnaan ng 1990 upang malutas ang hidwaan ng Israeli-Palestino at maseguro ang karapatan ng pagpapasiya sa sarili ng mga Palestino.

Ang Palestinian Authority (PA), na pinamumunuan ngayon ni Pangulong Mahmoud Abbas, ay may limitadong pamamahala sa sinakop na West Bank. Ito ay itinatag kasunod ng Kasunduan ng Oslo.

 

 

3474835

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: