IQNA

9:38 - June 17, 2021
News ID: 3002887
TEHRAN (IQNA) - Isang paligsahan sa pagsasaulo ng Qur’an at pagbigkas ay inayos para sa mga mag-aaral sa Uganda.

Sama-sama itong ginanap ng Pambansang TV na UBC ng bansa at ang Sentrong Pangkultura na Iraniano sa Kampala, ang kabisera na may pakikilahok ng 50 na mga mag-aaral sa paaralan.

Ang nangungunang mga kalahok ay iginawad sa pagdaraos na dinaluhan ng mga kinatawan ng TV tsanel pati na rin ang dalawang bantog na mga magsasaulo ng Qur’an ng bansa.

Sa pagbigay ng pahayag sa palatuntunan, si Farideh Ali Kulumba, direktor ehekutibo ng lupon ng tanggapan ng TV tsanel para sa pagsagawa ng mga paligsahan Qur’aniko at Islamiko, ay pinuri ang papel na ginagampanan ng Sentrong Pangkultural Iraniano sa pagpapalaganap ng kulturang Qur’aniko sa bansang Afrikano.

Nagsasalita rin sa palatuntunan, si Mohammadreza Qezelsofla, ang kinatawang pangkulturang Iraniano sa Uganda, ay binigyang diin ang pangangailangan para sa pagkilos ayon sa mga aral ng Qur’an, na naglalarawan sa Banal na Aklat bilang pinaka-komprehensibong patnubay sa lahat ng mga aspeto ng buhay.

Sampung nangungunang mga magsasaulo ng Qur’an at mga Qari ng paligsahan ay iginawad sa mga pinatitipon na mga produktong pangkulturang kabilang ang pagsasalin ng Dastan-e Rastan sa wikang Luganda at isang 8-tomo na pinagtitipon na Qur’anikong mga aklat para sa mga bata at mga tinyedyer.

 

 

3474952

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: