IQNA

7:50 - December 04, 2021
News ID: 3003463
TEHRAN (IQNA) – Nagpahayag ng pakikiramay ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko na si Ayatollah Seyed Ali Khamenei sa pagkamatay ni Ayatollah Seyed Razi Shirazi, isang kilalang kleriko sino namatay sa Tehran noong Miyerkules.

Sa ipinalabas na mensahe nitong Huwebes, nanalangin ang Pinuno sa Panginoon na igawad ang Kanyang kapatawaran at awa sa yumaong kaluluwa at itaas ang kanyang katayuan.

Ang nilalaman ng mensahe, ayon sa Khamneeni.ir, ay ang mga sumusunod:

“Nakikiramay ako sa pagpanaw ng marangal na iskolar na si Ayatollah Haj Sayyid Razi Shirazi (nawa'y mapasa kanya ang awa ng Panginoon). Siya ay inapo ng dakilang tagapanguna ng Islam at ng pananampalatayang Shia, ang iskolar ng panrelihiyon sino lumaban sa kolonyalismo noong ika-14 na siglo AH (ika-19 na siglo AD), ang dakilang Mirza Shirazi. Inaalay ko ang aking pakikiramay sa Seminaryo ng Tehran, sa kanyang mga mag-aaral, mga tagahanga, sa dakilang sambahayan ng Shirazi at lalo na sa kanyang marangal na pamilya. Hinihiling ko sa Diyos na igawad ang Kanyang kapatawaran at awa sa kanya at itaas ang kanyang katayuan.

Sayyid Ali Khamenei

December 2, 2021”

Si Ayatollah Seyed Razi Shirazi ay isang Faqih (Islamikong hurista), pilosopo at teologo. Siya ang apo sa tuhod ng kilalang Shia na pinagmumulan ng pagsusunod, si Mirza Shirazi, ang nangunguna sa protesta ng Tobako.

Si Ayatollah Shirazi ay ang Imam ng Moske Shifa sa kapitbahayan ng Yousefabad ng Tehran sa mahigit ng kalahating siglo.

Siya ay ililibing malapit sa banal na dambana ng Imam Ali (AS) sa Najaf, Iraq. 

 

 

3476766

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: