IQNA

7:16 - December 06, 2021
News ID: 3003473
TEHRAN (IQNA) – Ang mga Paaralang Seminaryo ng Al-Zahra (SA) ay nagsasagawa ng kurso sa pagsasaulo at mga konsepto sa kabisera ng Lebanon sa Beirut.

Ang paaralan ay kaanib sa Al-Mustafa International University at may hawak sa kurso sa kapitbahayan ng Haret Hreik.

Ang mga mag-aaral ay dapat na nakapasa sa mga antas na intermedya ng pagsasaulo upang makadalo sa pitong mga sesyon ng kursong ito na alin ay itinuturo ng mga babaeng guro.

Ang mga konsepto ng Qur’anikong programa ay binubuo ng tatlong mga bahagi; una, ang pagpapaunlad sa mga pamamaraan ayon sa mga panalangin ni Imam Sajjad (AS) katulad ng Dua Makarim Akhlaq na itinuro ni Sheikh Amin Termes. Susunod ay ang matuwid na gawa at ang papel nito sa pagpapalakas ng pananampalataya ayon sa Qur’an at mga pagsasalaysay sa ilalim ng pangangasiwa ni Sheikh Hassan Al-Hadi. At ang ikatlong bahagi ay panlipunang etika ayon sa Surah Al-Hujurat na itinuturo sa pangangasiwa ni Zohreh Badratuddin.

Ang samahan ng Qur’an at Hadith ng Al-Zahra (SA) Seminary School ay tumutulong sa interesadong mga kababaihan sa Beirut na isaulo ang buong Qur’an sa loob ng limang mga taon nang walang pagtatanggap na pera at nagsasanay din ng mga guro ng Qur’an. Ang sentro ay nagtataglay ng iba't ibang mga programa sa Qur’an sa buong taon.

Ang mga interesado ay maaaring magparehistro para sa kurso hanggang sa katapusan ng buwang ito at personal na gaganapin ang mga klase.

 

 

3476790

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: