IQNA

Pinarangalan ang mga Magsasaulo ng Qur’an sa Bangladesh

8:24 - December 08, 2021
News ID: 3003480
TEHRAN (IQNA) – Isang seremonya ang idinaos sa Cox’s Bazar sa timog-silangan ng Bangladesh upang parangalan ang 35 na mga magsasaulo ng Banal na Qur’an.

Ilang bilang ng mga eksperto sa Qur’an at mga iskolar ng mga agham na Islamiko ang dumalo sa kaganapan, na ginanap sa katapusan ng linggo, iniulat ng website ng Al-Omah.com.

Ang 35 na mga tagapagsaulo ng Qur’an na pinarangalan sa seremonya ay nakatapos kamakailan ng mga kurso sa pagsasaulo sa Paaralan ng Qur’an sa Nibras.

Nagsimula iyon sa pagbigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an at pagkatapos ay nagbigay ng mga talumpati ang mga mag-aaral ng paaralang Arabiko, Bengali at Ingglis.

Pinuri ng mga kalahok ang mga magsasaulo ng Qur’an para sa kanilang malaking tagumpay at ipinahayag ang kanilang paghanga sa kanilang mga kwalipikasyon at kakayahan.

Ang kaganapan ay pinamunuan ng tagapagtatag at patnugot ng Paaralang Nibras Zia Al-Haq.

Si Furqanullah Khalil, isang kilalang panitikang tao at pangalawang-pangulo ng Unibersidad na Islamiko ng Dar Al-Maarif sa Chittagong ay ang pangunahing panauhin sa seremonya.

Ang Bangladesh ay isang bansang karamihan na Muslim sa Timog Asya. Mga 160 na milyong mga Muslim ang nakatira sa Bangladesh, na alin siyang pang-apat na pinakamalaking populasyon ng Muslim sa mundo (pagkatapos ng Indonesia, Pakistan at India).

 

 

3476825

Name:
Email:
* Comment:
* :