IQNA

11:06 - January 16, 2022
News ID: 3003637
TEHRAN (IQNA) – Nagpatuloy ang mga pagsusuri noong Biyernes sa paunang yugto ng bahagi ng mga kalalakihan sa Ika-38 na Paligsahan ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Islamikong Republika ng Iran.

Ang lupon ng mga tagahukom ay nanood at nakakuha ng mas maraming mga naitala ng mga pagsasagawa ng mga kalaban sa iba't ibang mga kategorya.

Naipadala na ng mga kalahok ang kanilang mga pagsasagawa at ginaganap sa pangbirtuwal ang paunang yugto, kung saan makikita ng mga kalahok ang proseso ng paghusga sa kanilang pagsasagawa gamit ang isang ugnayan (link) na ibinigay sa kanila.

Ang mga nangunguna ay makakapasok sa mga pangwakas, na nakatakdang gaganapin sa Marso.

Ang nasa bahagi ng mga kalalakihan ay nakikipaglaban sa pagsasaulo ng Qur’an gayundin sa pagbigkas ng Qur’an at Tarteel.

Mayroong tatlong mga paligsahan sa bahaging ito: ang pangunahing paligsahan, ang isa para sa mga mag-aaral sa paaralan at ang isa para sa may kapansanan sa paningin.

Ang paunang yugto sa bahagi ng mga kababaihan ay natapos noong Lunes.

Ang kabuuan ng 190 na mga magsasaulo ng Qur’an at mga mambabasa mula sa mahigit na 69 na mga bansa ang nakilahok sa edisyon ngayong taon ng kaganapang Qur’aniko na pandaigdigan.

Ang Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan ng Iran ay taun-taon nagsasaayos ng kaganapan ng Qur’an na pandaigdigan na may kalahok ng mga aktibistang Qur’an mula sa iba't ibang mga bansa.

Ang mga magsasaulo at mambabasa ng Qur’an mula sa 67 na mga bansa ay nakibahagi sa huling pag-ikot ng ika-37 na edisyon ng paligsahan, na ginanap noong Marso 6-11, 2021.

 

 

3477369

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: