IQNA

11:22 - January 17, 2022
News ID: 3003641
TEHRAN (IQNA) – Ang paunang yugto ng ika-38 na edisyon ng Paligsahan ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan ng Islamikong Republika ng Iran ay natapos noong Sabado ng gabi.

Ang lupon ng mga tagahukom ang nagsuri ng mga huling naitalang salansan ng mga kalahok sa mga kategorya ng mga kalalakihan noong Sabado.

May kabuuang 190 na mga kalahok mula sa 69 na mga bansa ang lumahok sa paunang yugto sa iba't ibang mga kategorya ng mga kalalakihan at mga kababaihan.

Kasama sa lupon ng mga tagahukom ang 18 mga Iraniano at 10 dayuhang mga tagahukom. Ang dayuhang mga tagahukom na dumalo ng kaganapan sa pangbirtuwal lamang.

Si Hamid Majidimehr, pinuno ng departamento ng paligsahan ng Sentro ng mga Kapakanang Qur’aniko ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa, ay nagsabi sa IQNA na ang isang komite ay inatasan na ngayon sa pagrerepaso sa mga porma ng pagsusuri na pinunan ng mga tagahatol na tumatagal ng kaunting oras.

Hinulaan niya na ang unang mga resulta ay maaaring ipahayag sa loob ng 10 hanggang 15 na mga araw.

Ang huling yugto ng paligsahan ay nakatakdang gaganapin sa Marso. Sinabi ng mga opisyal kung hahayaan ang mga kalagayan ng pandemya, ang huling yugto ay gaganapin sa personal.

Ang Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan ng Iran ay taun-taon na nagsasaayos ng pandaigdigang kaganapang Qur’aniko na may kalahok ng mga aktibistang Qur’aniko mula sa iba't ibang mga bansa.

Ang mga magsasaulo at mga mambabasa ng Qur’an mula sa 67 na mga bansa ay nakibahagi sa huling pag-ikot ng ika-37 na edisyon ng paligsahan, na alin ginanap noong Marso 6-11, 2021.

 

 

3477386

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: