IQNA

7:38 - March 19, 2022
News ID: 3003878
TEHRAN (IQNA) – Isang pagpupulong na pandaigdigan internasyonal na kumperensya na pinamagatang “The Quran and Issues of the Contemporary Society” ay nakatakdang magsimula sa Mayo 10 sa Karbala ng Iraq.

Ito ang magiging ikaapat na Pagpupulong na Pandaigdigan ng Imam Hussein (AS). Ang kaganapan ay inorganisa ng Sentro ng Dar-ol-Quran ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) sa Karbala sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Alzahra sa Karbala.

Abril 25 ay inihayag ang huling araw para sa pagsusumite ng mga papeles sa kumperensya.

Ang mga huwaran ng panlipunang ugnayan mula sa pananaw ng Qur’an, ang ganap na lipunan ayon sa Qur’an, at ang Qur’an at mga pag-unlad ng pangkultura ay kabilang sa pangunahing mga paksa ng pagpupulong.

Ang kaganapan ay naglalayong ipaliwanag ang tamang pamamaraan na ipinakita ng Qur’an para sa pagpapabuti ng lipunan, gawing mas may kabatiran ang mga Muslim sa kasalukuyang mga isyu ng Muslim Ummah, pagbutihin ang kaalaman ng mga mananaliksik na pang-Qur’an, at tugunan ang kasalukuyang mga isyu ng Samabayang Muslim na may Qur’anikong pananaw.

Ang isinumiteng mga papel ay hindi dapat naipadala na o kaya nailathala na sa anumang iba pang kaganapan o pahayagan at dapat nasa pagitan ng 20 hanggang 25 na mga pahina.

Ang tatlong araw na kaganapan ay gaganapin nang personal at ang mga mananaliksik sino hindi maaaring makibahagi nang pangpisikal ay maaaring sumali sa pamamagitan ng Zoom.

 

 

3478223

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: