IQNA

6:39 - May 25, 2022
News ID: 3004119
TEHRAN (IQNA) – Isang pandaigdigang pagpupulong sa Qur’anikong agham ng Tajweed ang ginanap sa Saratov sa isang lungsod sa timog-kanluran ng Russia.

"Agham ng Tajweed: Kasaysayan, mga Katotohanan, mga Prospek" ang pamagat ng pang-iskolar na kaganapan, na alin inorganisa ng Sentrong Qur’aniko ng Zayd Ibn Thabit, na kaanib sa Departamento ng mga Klerikong Muslim ng Saratov.

Sa konteksto ng pagbigkas ng Qur’an, ang Tajweed ay isang hanay ng mga patakaran para sa tamang pagbigkas ng mga titik kasama ang lahat ng kanilang mga katangian at paglalapat ng iba't ibang tradisyonal na mga pamamaraan ng pagbigkas.

Sa kumperensya, ipinakita ng mga iskolar at mga palaisip mula sa Russia, Iran, Turkey at Kazakhstan ang kanilang mga papeles sa Qur’anikong mga agham, Tajweed, at Kasaysayan ng Islam at nagpalitan ng mga pananaw tungkol sa bagong mga pamamaraan ng pagtuturo sa mga larangang ito.

Si Hojat-ol-Islam Saber Akbari Jeddi, ang kinatawan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko sa Russia, ay kabilang sa mga kalahok.

Nagharap siya ng isang papel sa Arabiko sa kasaysayan ng pag-unlad ng agham ng Tajweed.

Ang kumperensya ay ginanap bilang bahagi ng mga programa na nagmamarka ng ika-1100 na anibersaryo ng pagtanggap ng Islam ng mga tao sa Volga Bulgaria.

Ang Volga Bulgaria ay isang makasaysayang estado ng Bulgar na umiral sa pagitan ng ika-7 at ika-13 na mga siglo sa paligid ng pagtatagpo ng Ilog ng Volga at Kama, sa ngayon ay Uropianong Russia.

 

3479032

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: