IQNA

12 mga Tagapagsaulo ng Qur’an ay Nakatanggap ng Sertipiko sa Brunei

18:15 - September 06, 2022
News ID: 3004519
TEHRAN (IQNA) – Sa isang pagdaraos noong Linggo, 12 mga kabataang tagapagsaulo ng Qur’an ang tumanggap ng kanilang mga sertipikasyon mula sa mga lokal na awtoridad sa Belait Distrito ng Brunei.

Ang RPN Kampong Pandan Moske Takmir Komite ay nagsaayos ng isang pagdiriwang ng pagtatanghal ng sertipiko upang gunitain ang 12 mga kabataan mula sa Distrito ng Belait na nakatapos ng ikatlong edisyon ng Belait Distrito ng Tahfiz Al-Qur’an Pagsasaulo na Palatuntunan sa moske.

Ang Belait Distrito Moske Opisyal ng mga Kapakanan na si Akup bin Haji Lamat, ang panauhing pandangal, ay tinanggap sa moske ng RPN Kampong Pandan Moske Opisyal ng mga Kapakanan na si Abdul Qayyum bin Haji Aminuddin.

Sinabi ni Abdul Qayyum na ang 12 mga kalahok na kabataan, na may edad 10 hanggang 15, ay nagsaulo ng 30 mga Juze mula 2020 hanggang 2021. Dahil sa pandemya ng COVID-19, ang pagdaraos ay ginanap kamakailan lamang sa pagtanggal ng mga paghihigpit, upang kilalanin at pahalagahan ang mga pagsisikap na ginawa ng mga kabataan sa pagpapasakdal ng kanilang kaalaman at pagbigkas ng Qur’an.

Samantala, umaasa si Akup na patuloy nilang pauunlarin at palalawakin ang kanilang kaalaman sa Islam, gayundin ang maging huwaran para sa iba pang mga kabataan.

Nakita rin sa pagdiriwang ang mga kalahok na kabataan sa palatuntunan na bumibigkas ng mga talata ng Qur’an sa entablado upang subukan ang kaalaman na kanilang nakuha sa buong palatuntunan.

Sinundan ito ng pag-abot ng panauhing pandangal ng mga sertipiko.

 

 

3480352

captcha