IQNA

Ginunita ang Yumaong Qari na si Al-Banna sa Pinakabagong Episodyo ng ‘Kalagayan ng Pagbigkas’ ng Ehipto

19:06 - December 15, 2025
News ID: 3009188
IQNA – Sa pinakabagong episodyo nito, pinarangalan ng palatuntunang pantelebisyon na “Dawlet El Telawa (Kalagayan ng Pagbigkas)” ang alaala ng yumaong si Sheikh Mahmoud Ali al-Banna, isang kilalang qari sa Ehipto at sa buong mundong Islamiko.

Late Egyptian qari Sheikh Mahmoud Ali al-Banna

Ayon sa Al-Watan, sa episodyo na ito na ipinalabas noong Sabado, tinalakay ng Ehiptiyanong aktibista ng midya na si Asaad Younis ang buhay ni Sheikh al-Banna at ang natatanging mga katangian ng kanyang mga pagbigkas.

Sa pagrepaso sa talambuhay ng yumaong qari, sinabi niya na ang Ehiptiyanong tagapagbigkas na ito ay isinilang noong 1926 sa isang nayon malapit sa lungsod ng Shebin Al-Kum sa lalawigan ng Menoufia, Ehipto, at sinimulan ang kanyang buhay sa Quran sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan ng kanilang nayon.

Dumalo sa palatuntunan si Sheikh Ahmed Mahmoud Ali al-Banna, ang anak ni Maestro al-Banna, at ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa pagbibigay-parangal sa kanyang ama.

Late Qari Al-Banna Commemorated in Latest Episode of Egypt’s ‘State of Recitation’

Sinabi niya na ang parangal na ito ay nagpapaalala sa kanya ng malaking pananagutan na ipagpatuloy ang tungkulin ng kanyang ama sa paglilingkod sa Aklat ng Panginoon at sa muling pagbuhay ng Ehiptiyanong paaralan ng pagbigkas sa pamamagitan ng tunay na mga talento sa Quran.

Dumalo rin sa palatuntunan ang Ministro ng Awqaf ng Ehipto na si Osama Al-Azhari at nagbigay-pugay kay Sheikh Mahmoud Ali al-Banna.

Itinuring niya ang yumaong qari bilang isa sa pinakatanyag na mga bituin sa kalangitan ng pagbigkas ng Quran.

Ayon kay Al-Azhari, ang pagbigkas ni Sheikh al-Banna ay naging pinagmumulan ng pagbibigay-sigla at kagalakan para sa mga Ehiptiyano, sapagkat pinagsama nito ang espirituwal na kagandahan at isang kahanga-hangang tinig - isang tinig na laging nakaapekto sa mga pandinig, mga puso, mga isipan, at mga panlasa ng sambayanang Ehiptiyano.

“Siya ay isang natatanging paaralan ng pagbigkas at ang kanyang tinig ay nanatiling walang kamatayan sa alaala ng mga salinlahi.”

Ambag na pinansyal ng isang Ehiptiyanong negosyante

Ipinapahiwatig din ng mga ulat na ang Ehiptiyanong negosyanteng si Hisham Talat Mustafa, sa pag-anunsyo ng kanyang suportang pinansyal sa palatuntunang Kalagayan ng Pagbigkas, ay naglaan ng 10 milyong mga libra bilang ambag-pinansyal para sa palatuntunang ito.

Ayon sa kanya, ang kapasiyahang ito ay ginawa upang makibahagi sa mga pagsisikap na buhayin muli ang tradisyon ng Ehiptiyanong pagbigkas ng Quran, palakasin ang malambot na kapangyarihan ng bansa, at linangin ang mga karunungan sa hinaharap.

Itinatampok ng paalatuntunan ang isang mataas na antas na lupon ng mga hurado na binubuo ng mga kilalang personalidad sa relihiyon at akademya mula sa mundong Islamiko: sina Hassan Abdel-Nabi, Taha Abdel-Wahab, Mostafa Hosny, at Taha Al-Nuamani.

 

3495724

captcha