IQNA

Mga Pagsasalin ng Qur’an sa Iba't Ibang mga Wika na Ipinapakita sa Perya ng Aklat sa Sharjah

12:30 - November 07, 2022
News ID: 3004757
TEHRAN (IQNA) – Ang mga pagsasalin ng Banal na Qur’an sa 76 na mga wika ay kabilang sa mga aklat na ipinakita sa ika-41 na Perya ng Aklat sa Sharjah.

Ang mga ito ay nailambag ng King Fahd Complex para sa Paglimbag ng Banal na Qur’an at naipakita sa bulwagan ng Kagawaran ng Islamikong mga Kapakanan, Panawagan at Patnubay ng Saudi, iniulat ng al-Yawm website.

Ang King Fahd Complex para sa Paglimbag ng Banal na Qur’an ay nakabase sa banal na lungsod ng Medina. Gumagawa ito ng humigit-kumulang 10 milyong mga kopya ng Qur’an sa bawat taon.

Naglalathala din ito ng mga salin ng Banal na Aklat sa iba't ibang mga wika.

Ang bulwagan ng Kagawaran ng Islamikong mga Kapakanan , Panawagan at Patnubay ng ay nagpakita rin ng mga libro at mga paglalathala tungkol sa iba't ibang mga paksa sa mga agham na Islamikong.

Mayroon ding mga apps na Islamiko, dokumentaryong mga pelikula, mga serbisyo sa aklatang elektronika at mga artikulo tungkol sa mga serbisyo ng Hajj at Umrah.

Ang bulwagan ay mamamahagi ng 110,000 na mga kopya ng Qur’an sa iba't ibang mga laki gayundin ng mga pagsasalin ng Banal na Aklat sa mga bisita sa panahon ng perya ng aklat.

Ang Perya ng Aklat na Pandaigdigan sa Sharjah ay isang 11-araw na perya ng aklat na pandaigdigan na ginaganap taun-taon sa Sharjah, United Arab Emirates.

"Ipalaganap ang salita" ang salawikain ng edisyon ngayong taon, na alin tatakbo mula Nobyembre 2 hanggang 13.

                       

 

3481140

captcha