IQNA

Iran-Saudi na Kasunduan (Rapprochement) 'Huwaran' para sa Pangrehiyon na Pakikipagtulungan: Kleriko

15:06 - October 03, 2023
News ID: 3006099
TEHRAN (IQNA) – Malugod na tinanggap ng Kalihim na Pangkalahatan ng Pandaigdigang Talakayan para sa Ikalalapit ng Islamikong mga Paaralan ng Kaisipan ang pagpapatuloy ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia bilang isang mahalagang pag-unlad para sa pakikipagtulungan at pagkakaibigan sa lahat ng mga bansang Islam.

Ginawa ni Hojat-ul-Islam Hamid Shahriari ang mga pahayag sa kanyang pambungad na talumpati sa Ika-37 Pagtitipon ng Pagkakaisang Islamiko na Pandaigdigan  sa Tehran noong Linggo.

Pinuri niya ang dalawang panig na hakbang bilang isang "huwaran" para sa iba pang panrehiyon na mga bansa at isang tanda ng pag-unawa na ang mga manlalaro sa labas ay hindi makakamit ang mga napapanatiling layunin sa rehiyon. Sinabi niya, "Ang hakbang na ito ay nangangako ng pangmatagalang kapayapaan at pagtutulungan para sa buong rehiyon."

Nagpahayag si Shahriari ng pag-asa na ang pinabuting ugnayan ng dalawang bansa ay hahantong sa pagtutulungan sa agham at teknolohiya, seguridad sa rehiyon, kapangyarihang pampulitika, at mabungang pagpapalitan ng pang-ekonomiya at pangkultura. Nanawagan din siya para sa pagputol ng mga kamay ng mga kaaway mula sa rehiyon bilang isang pangangailangan para sa pagsasakatuparan ng isang pinag-isang Islamikong Ummah.

  • Pagpapalaya ng Quds Pangunahing Palatandaan ng Pagkakaisa ng Muslim: Pangulo ng Iran

Binigyang-diin ni Shahriari ang kahalagahan ng Banal na Qur’an bilang isang natatanging patnubay para sa sangkatauhan na nagdadala ng mensahe ng pakikipagkaibigan sa mga Muslim at paglaban laban sa mga maniniil at mga mapang-api. Binigyang-diin din niya na ang pagtutulungan sa pagitan ng mga bansang Islamiko ay magagarantiyahan sa pagpapalawak ng relasyong pang-ekonomiya at diplomatiko at magbubukas ng bagong pook ng palitan ng pang-ekonomiya at pangkultura.

Binanggit ni Shahriari ang isyu ng Palestine bilang isang pangunahing isyu para sa mundo ng Islam at idiniin na ang suporta para sa bansang Palestino at banal na al-Aqsa ay dapat na higit pa sa mga salita.

  • Nagpunong-abala ang Tehran ng Ika-37 Pagtitipon ng Pagkakaisang Islamiko na Pandaigdigan

Ang Ika-37 Pagtitipon ng Pagkakaisang Islamiko ay dinaluhan ng higit sa 260 Muslim na mga iskolar sa onlayn na bahagi nito at higit sa 230 na mga opisyal at relihiyosong mga tao sa personal na bahagi nito. Ang tema ng kumperensiya ay "Islamikong Pagtutulungan upang Makamtan ang Pinag-iisang mga Kahalagahan".

 

3485390

captcha