IQNA

Nagponong-abala ang Kyrgyzstan ng Pambansang Kumpetisyon sa Pagsaulo ng Banal na Quran para sa mga Babae

14:57 - September 05, 2024
News ID: 3007448
IQNA – Nagpunong-abala ang Kyrgyzstan ng pambansang paligsahan sa pagsasaulo ng Banal na Quran para sa mga batang babae, na nagtatampok ng paglahok ng 270 na mga kalahok sa paunang ikot.

Ang kaganapan ay inorganisa ng Kagawaran ng Islamikong mga Gawain, Dawah, at Patnubay ng Saudi Arabia sa pakikipagtulungan ng Espirituwal na Administrasyon ng mga Muslim ng Kyrgyzstan, iniulat ng Saudi Press Agency (SPA) noong Martes.

Ang kumpetisyon sa taong ito ay nagsimula sa pitong mga probinsya at dalawang mga lungsod, na nagtatampok ng 270 na mga kalahok sa paunang mga ikot.

Nakipagkumpitensya ang mga kalahok sa apat na mga kategorya: pagsasaulo ng buong Banal na Quran, pagsasaulo ng 20 na mga Juz, pagsasaulo ng 10 mga Juz, at pagbigkas ng Banal na Quran at Tajweed.

Nagsimula ang huling iot noong Martes, na may 26 na mga kalahok na sumulong sa yugtong ito habang sinusuri ng mga hukom ang mga kalahok sa mga sesyon sa umaga at gabi sa Moske ng Imam Sarakhsi sa Bishkek.

Ang mga pangunahing dadalo sa seremonya ng pagsasara sa Miyerkules ay kinabibilangan ni Abdulaziz Zakirov, Mufti at pinuno ng Espirituwal na Administrasyon ng mga Muslim ng Kyrgyzstan; Dr. Awad Al-Enezi, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Islamikong mga Gawain, Dawah, at Patnubay para Islamikong mga Gawain; Embahador ng Saudi sa Kyrgyzstan si Ibrahim Al-Radi; ilang mga miyembro ng parlamento; at iba't ibang mga opisyal na panlabas na media.

Ang unang kumpetisyon, na ginanap noong Disyembre 2023, ay inorganisa sa pambansang antas para sa mga lalaki. Sinabi ng Saudi Arabia na ang mga kumpetisyon na ito ay bahagi ng pandaigdigan na mga programa ng kagawaran na naglalayong itaguyod ang mga turo ng Banal na Quran at Sunnah at pagtugon sa ekstremismo.

 

3489764

Tags: Kyrgyzstan
captcha