Ayon sa news site na radioalgerie.dz, idaraos ang kaganapang Quraniko sa ilalim ng pagtangkilik ni Pangulong Abdelmadjid Tebboune ng Algeria at bilang balangkas ng mga pagdiriwang para sa kaarawan ng Propeta Muhammad (SKNK).
Ang mga aktibidad at mga programa para sa Pambansang Linggo ng Quran ngayong taon ay isinaayos sa ilalim ng salawikain na “Mula sa mga pulpito ng ating mga moske, umuugat ang pagkakaisa ng ating bayan.” Kasama sa mga programa ang pambansang mga paligsahan sa Quran sa 6 na mga kategorya.
Idinaos ang panlalawigang yugto ng mga paligsahan sa iba’t ibang mga kategorya, maliban sa pagbasa ng Quran, mula Hulyo 1 hanggang Agosto 7, 2025.
Kasama rin sa Pambansang Linggo ng Quran ang isang pambansang pagtitipon pang-agham na may pamagat na “Pagkakaisa ng Lipunan at Pambansang Solidaridad sa Liwanag ng mga Halaga ng Quran”.
Idaraos ang pagtitipon sa presensiya ng mga sheikh ng Zawiyyah (tradisyonal na mga paaralan ng edukasyong Quraniko), mga iskolar, at mga imam mula sa iba’t ibang mga panig ng bansa.
Ang Algeria ay isang bansang Arabo sa Hilagang Aprika. Tinatayang siyamnapu’t siyam na porsyento ng populasyon ng bansa ay mga Muslim.