IQNA

Dumalo ang Pinuno sa Ritwal ng Pag-aalis ng Alikabok sa Banal na Dambana ni Imam Reza

16:49 - September 14, 2024
News ID: 3007479
IQNA – Idinaos ngayong linggo ang ritwal ng pag-aalis ng alikabok sa banal na dambana ni Imam Reza (AS) sa pagdating ng buwan ng Hijri ng Rabi al-Awwal.

Ang pinuno ng Islamikong Rebolusyon na si Ayatollah Seyed Ali Khamenei ay dumalo sa ritwal ng pag-aalis ng alikabok sa banal na dambana sa Mashhad, hilagang-silangan ng Iran.

Naroon din ang mga tagapag-alaga at mga tagapaglingkod ng Astan Quds Razvi gayundin ang ilang mga iskolar.

Sa panahon ng ritwal, binigkas ng mga tagapagbigay ng puri  ang mga pagsusumamo ng Ziyarat Jamia Kabirah at Aminallah.

Nagkaroon din ng mga pagbigkas ng tulang malungkot sa anibersaryo ng pagkamartir ni Imam Hassan al-Askari (AS).

Sa giliran ng kaganapan, binisita ng pinuno ang puntod ng dating pangulo ng Iran na si Ayatollah Seyed Ebrahim Raisi, sino nagging bayani sa isang pagbagsak ng helikopter noong Mayo.

Si Imam Reza (AS) ay ang ikawalong Shia Imam, na ang linya ng dugo ay bumalik sa Propeta ng Islam. Siya ay may natatanging katayuan sa mga Iraniano, dahil ginugol niya ang kanyang huling mga taon ng buhay sa Iran, malayo sa kanyang lugar ng kapanganakan sa modernong-araw na Saudi Arabia.

Ang kanyang dambana ay nagpunong-abala ng milyun-milyong mga peregrino mula sa buong mundo sa buong taon, lalo na sa mga okasyong panrelihiyon.

Hindi pinalampas ng mga Iraniano ang pagkakataong pumunta at bisitahin ang dambana ni Imam Reza (AS).

 

3489875

captcha