Si Haji Mohammad Siddique Rahimoon, isang residente sa nayong ng Radhakhar malapit sa lugar ng Dahili ng disyerto na distrito ng Tharparkar sa Lalawigan ng Sindh ng Pakistan, ay gumawa ng pagsasalin.
Ang Dhatki ay sinasalita sa mga bahagi ng disyerto ng Thar kabilang ang Tharparkar, Umerkot sa distrito ng Sanghar at sa ilang karatig na mga lugar ng India.
Sinabi ni Javed Jaffar Rahimoon, ang malapit na kamag-anak ng manunulat, na tumagal lamang siya ng 2 at kalahating mga taon upang makamit ang marangal na gawaing ito.
Idinagdag ni Javed na si Mohammad Siddique ay nagkaroon ng matinding interes pagkatapos ng kanyang pagreretiro mula sa Kagawaran ng Kalusugan ng pamahalaan ng Sindh. Ipinaalam niya na ang manunulat pagkatapos ng kanyang nakakatakot na gawain ay nagpadala ng ilan sa sulat-kamay na mga kopya sa mga pinuno ng mga seminaryo, na, ayon sa kanya, ay lubos na pinuri ang kanyang mga pagsisikap.
Ayon sa lokal na mga aktibista at mga manunulat, pinahuhusay ng makabuluhang tagumpay na ito ang pagkarating para sa mga katutubong nagsasalita ng Dhatki, na nagpapahintulot sa kanila na maunawaan ang Quran sa kanilang sariling wika.
Ang mga tao sa lugar na nagkomento sa natatanging gawain ni Rahimoon ay tinawag itong isang pang-iskolar at espirituwal na kontribusyon, na sumasalamin sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa kanyang komunidad na naninirahan sa magkabilang panig ng pinagsasaluhang mga hangganan.
Lubos nilang hiniling ang mga matataas na pamahalaan at mga nagtatrabaho sa panitikan upang tulungan si Rahimoon na mailathala ang kanyang kontribusyon sa wastong paraan.