IQNA

114 Bihirang Kopya ng Quran Itinampok sa Istanbul

11:30 - January 27, 2026
News ID: 3009299
IQNA – Sa isang eksibisyon sa Istanbul, Turkey, itinampok ang 114 bihirang mga kopya ng Banal na Quran mula sa 44 na mga bansa.

Ayon sa ulat ng diffah, ang eksibisyon, bilang isang natatanging kaganapang pangkultura, ay sinusundan ang makasaysayang pag-unlad ng pagsulat ng Quran sa iba’t ibang mga panahon ng kasaysayang Islamiko at mula sa sari-saring heograpikal na mga rehiyon—mula Silangan hanggang Kanluran at mula Gitnang Asya hanggang Andalusia.

Ang eksibisyon, na alin magpapatuloy hanggang sa katapusan ng buwang ito, ay nagpapakilala sa mga bisita sa ebolusyon ng mga anyo ng sulat ng Quran—mula sa sinaunang Kufic hanggang Naskh, Thuluth, at Diwani, pati na rin sa nalimbag na mga Quran—at binibigyang-diin ang mga pagkakaibang masining at pandekorasyon na hinubog ng pangkultura at pampulitikang mga kalagayan ng bawat panahon.

Ang Bihirang Eksibisyon ng Quran ay isang bagong kaganapan sa larangang pangkultura ng Istanbul—isang lungsod na itinuturing na kabisera ng pamanang Islamiko at isang lugar ng mga pagtitipong pangkultura na nagdurugtong sa nakaraan at kasalukuyan.

Ayon kay Osman Onlu, pinuno ng kagawaran ng mga gawaing panrelihiyon ng Turkey, sa isang kumperensiya sa prensa, pinagsasama ng eksibisyong ito ang heograpiya ng Islam sa iisang lugar at ipinapakita kung paano pinag-isa ng Quran ang mga tao sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wika at mga kultura.

Idinagdag niya na ang pagkakaiba-iba ng mga anyo ng sulat at mga dekorasyon sa mga Quran ay sumasalamin sa maraming paaralang pansining at kasabay nito ay binibigyang-diin ang pagkakaisa ng teksto ng Quran sa iba’t ibang mga panahon.

Dagdag pa ni Onlu, ang eksibisyon ay hindi lamang nakatuon sa aspektong masining, kundi sumasalamin din sa natatanging pagpapahalagang ibinigay sa Banal na Quran sa buong kasaysayan at binibigyang-diin kung paanong ang Quran, bilang isang banal na teksto, ay naging sentro ng mga agham at mga sining Islamiko at nagsilbing tulay ng pagkakaisa ng mga bansang Islamiko sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang mga wika at mga kultura.

captcha