Lumahok sa pista ang kinatawan ng pinakamataas na kleriko ng Shia ng Iraq at mga delegasyon mula sa 50 mga bansa sa pagbubukas na ginanap sa banal na dambana ni Imam Hussein (AS). Ang pagbubukas ng pista ay kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Imam Hussein (AS) at dinaluhan ng panrelihiyon at pangkultura na
mga delegasyon at mga personalidad mula sa loob at labas ng Iraq.
Binigyang-diin ni Sayed Murtaza Kashmiri, kinatawan ni Ayatollah Ali al-Sistani sa Estados Unidos at Uropa, sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng pagbubukas na ang Karbala ay hindi lamang isang lokasyong heograpikal o isang pangkasaysayang pangyayari, kundi isang buhay na mensahe, isang kilusan, at isang pandaigdigang makataong proyekto.
Idinagdag niya na ang pagkabayani ni Imam Hussein (AS) at ng kanyang pamilya ay naging mahalagang yugto sa kasaysayan ng Ummah at isang huwaran ng pakikibaka para sa pagbabago, katarungan, kalayaan, at dangal ng tao.
Ayon sa kanya, ang Karbala ay naging isang espirituwal, intelektuwal, at pangkultura na sentro ng mundong Shia, lalo na sa pamamagitan ng milyun-milyong mga paglalakbay kagaya ng Arbaeen na paglalakbay, na naging isang kababalaghan pangsibilisasyon na sumasalamin sa mga pagkakabilang at katapatan sa mga pagpapahalaga ni Imam Hussein (AS).
Idinagdag ni Seyyed Murtaza Kashmiri na pinagbubuklod ng Karbala ang iba’t ibang mga pangkat ng mga Shia, iba pang mga Muslim, at mga hindi Muslim sa ilalim ng mga pagpapahalaga ng katarungan at mga dangal ng tao, at nagsisilbi itong plataporma para sa diyalogo ng sangkatauhan at pagkakaisa sa pangkalahatang makataong mga prinsipyo.
Sinabi niya na ang muling pagbuhay sa mga prinsipyo ng kilusang Husseini ay hindi lamang limitado sa paggunita, kundi may kaugnayan sa pagsasalin ng mga ito sa praktikal na mga pamantayan sa araw-araw na buhay, katulad ng katarungang panlipunan, paglaban sa kawalang-katarungan, at pagpapanatili ng dangal ng tao.
Binigyang-diin ni Kashmiri na ang dalawang banal na mga dambana nina Imam Hussein (AS) at Hazrat Abbas (AS) sa Karbala ay may mahalagang papel sa pagpapatibay ng mensaheng ito at sa pagbabagong-anyo ng katayuan ng Karbala bilang isang napapanatiling proyekto sa pamamagitan ng nagkakaisang diskurso at pagsuporta sa mga inisyatibang pangkultura at diyalogo sa pagitan ng mga tao at mga sekta.
Binigyang-diin din ni Sheikh Abdul Hussein Sadiq, kinatawan ng delegasyong Taga-Lebanon, sa kanyang talumpati sa palatuntunan na ang matalinong relihiyosong pamumuno ay nakabuo ng isang komprehensibong pambansang balangkas at napanatili ang pagkakaisa ng sambayanang Iraq anuman ang kanilang mga sekta at mga etnisidad.
Binigyang-diin ni Sheikh Sadiq na ang kahinahunan, pagpaparaya, at diyalogo ay patuloy na pamamaraan ng Shia na mga Muslim sa kabila ng kawalang-katarungan at paniniil. Ipinahayag din niya na ang usapin ng Palestine ay nananatiling buhay sa konsensiya ng Ummah at na ang paglaban sa pananakop ay isang lehitimong karapatan. “Ang mga pagpapahalaga ng Karbala ay pinagmumulan ng inspirasyon sa pagsisikap para sa katarungan, pagkakaisa, at pagtatanggol sa sangkatauhan,” dagdag niya.
Isa pang tagapagsalita sa pagdiriwang si Sheikh Anwar Sham Rahmani, direktor ng Ahl-ul-Bayt Foundation sa Turkey. Binigyang-diin niya na pinagsasama ng Pista ng Tagsibol ng Pagkabayani ang pagkabayani, pananampalataya, at kultura, at ginagawang isang pagkakataong pang-edukasyon ang paggunita sa kapanganakan ni Imam Hussein (AS), kung saan natututuhan ng mga kabataan ang kahulugan ng katapatan at paninindigan sa katotohanan, kaya napapanatili ang pagkakakilanlan ng Ummah at nananatiling buhay ang Karbala sa kanilang mga puso at mga isipan.
Idinagdag niya na ang pista na ito ay nagpapadala ng mensahe sa mundo at binibigyang-diin na ang Ahl-ul-Bayt (AS) ay hindi lamang isang panandaliang alaala, kundi isang proyekto para sa buhay, moralidad, at pananagutan.
Kasama rin sa Pista ng Tagsibol ng Pagkabayan ang ika-20 na Pandaigdiang Perya ng Aklat sa Karbala at siyentipikong mga pagpupulong tungkol sa buhay ni Imam Hussein (AS).
https://iqna.ir/en/news/3496170