IQNA

Ang Pagdiriwang sa Gaza ay Pag-aari Lamang ng mga Tao Doon, Hindi Kay Donald Trump

19:03 - October 11, 2025
News ID: 3008947
IQNA – Ang pagdiriwang ng mga tao sa Gaza dahil sa tigil-putukan ay pag-aari lamang nila, hindi kay Donald Trump, sino inanunsyo na bibisita siya sa rehiyon upang kunin ang pagpupuri para sa tinatawag niyang "makasaysayang okasyon".

Palestinian children celebrate in Khan Younis on October 9, 2025, following news of a new Gaza ceasefire deal.

Ayon kay Ahmad Ibsais, isang unang henerasyong Palestino-Amerikano at mag-aaral ng batas, sa isang artikulo para sa Al Jazeera.

“…kaluwalhatian sa sambayanang Palestino, sa kanilang katatagan at sa kanilang sama-samang lakas. Tumanggi ang mga Palestino na magpasakop sa isang kuwentong ipinataw sa kanila—na sila raw ay mga pulubi na naghahanap ng ayuda, ‘mga terorista’ sino kailangang pagbayaran, o anupamang mas mababa sa isang sambayanang ang dignidad ay dapat igalang nang walang pag-aalinlangan o paghamak,” ang kanyang isinulat.

Ang artikulo ay ganito:

Noong Nobyembre 7, 2023, tumayo ang mga bata sa harap ng mga kamera sa al-Shifa Hospital at nagsalita sa Ingles, hindi sa kanilang katutubong wika, kundi sa wika ng mga akala nilang maaaring iligtas sila. “Nais naming mabuhay, nais namin ng kapayapaan, nais naming hatulan ang mga pumatay sa mga bata,” sabi ng isang batang lalaki. “Gusto namin ng gamot, pagkain at edukasyon. Gusto naming mabuhay gaya ng ibang mga bata.” Noon pa lamang, halos isang buwan pa lamang mula nang magsimula ang pagpatay ng lahi, wala pa silang malinis na inuming tubig, walang pagkain o walang gamot. Naghingi sila gamit ang wika ng mga mananakop dahil inakala nilang makakatulong iyon para maging malinaw ang kanilang pagkatao.

Nagtataka ako kung ilan sa mga batang iyon ang patay na ngayon, ilan ang hindi nakaabot sa sandaling ito ng “kapayapaan,” at kung namatay sila na naniniwala pa rin na sasagutin ng mundo ang kanilang panawagan.

Ngayon, halos dalawang taon na ang lumipas, nag-post si US Presidente Donald Trump na “labis ang kanyang pagmamataas” sa pagpirma ng unang yugto ng kanyang “planong pangkapayapaan.” Pinuri at inangkin ng Pranses na Presidente Emmanuel Macron ang inisyatiba ni Trump, habang ang pinuno ng Israel na si Yair Lapid ay nanawagan sa Komite ng Nobel na bigyan si Trump ng gantimpalang pangkapayapaan. Nag-usad ang mga lider upang kunin ang kredito sa pagtatapos ng pagpatay ng lahi na sa loob ng dalawang mga taon at sa nakaraang 77 na mga taon nila itong pinondohan, inarmasan at pinayagan.

Ngunit hindi kailanman kailangan ng Gaza ng “pagliligtas.” Kailangan ng Gaza na itigil ng mundo ang pagpaslang sa kanila. Kailangan ng Gaza na payagan lang ng mundo ang mga tao nito na mabuhay sa kanilang lupain nang malaya sa pananakop, aparteid at pagpatay ng lahi. Ang mga tao ng Gaza ay humingi lamang ng may layunin, legal at moral na pamantayang iginagawad na sana sa kanila katulad ng ibinigay sa mga pumatay sa kanila. Inilantad ng pagpatay ng lahi sa Gaza ang isang mundong nagtuturo ng katarungan ngunit pinondohan ang pang-aapi, at mga taong ginawa ang kanilang paglaban bilang paraan ng pag-iral.

Lahat ng iyon upang sabihin: kaluwalhatian sa sambayanang Palestino, sa kanilang katatagan at sama-samang lakas. Tumanggi ang mga Palestino na magpasakop sa isang kuwentong ipinataw sa kanila, na sila raw ay mga pulubi na humihingi ng tulong, “mga terorista” sino dapat pagbayarin, o anupamang hindi karapat-dapat sa isang sambayanang nararapat igalang nang buong-puso at hindi hamakin.

Hindi nabigo ang Gaza. Tayo ang nabigo. Naglaban ang Gaza nang inaasahan ng mundo na sila ay babagsak. Nag-isa ang Gaza kahit hindi dapat kailanman sila pinabayaan na mag-isa. Nagtiis ang Gaza sa kabila ng pagtalikod ng pandaigdigan na komunidad, sa kabila ng mga pamahalaang pinondohan ang pagkawasak nito at ngayo’y ipinagdiriwang ang sarili bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan.

Bilang isang taong may pananampalataya, naaalala ko ito:

“Kapag sinabi sa kanila, ‘Huwag kayong maghasik ng kasamaan sa lupa,’ sila’y sumasagot, ‘Kami’y mga tagapamayapa lamang!’” (Quran 2:11)

Walang nagsasabi ng kapayapaan na gaya ng dalawang mga taon ng gutom, pambobomba at mga libingan ng tumpok, kung saan sa halip na maghatid ng pagkain, mga sudario ang kanilang dinala.

At habang dumudugo ang Gaza, pinakaperpekto ng makapangyarihan ang sining ng pagtanggi. At kapag nakita ko ang mga tao ng Gaza na nagdiriwang sa mga kalye, alam ko na ang pagdiriwang na iyon ay pag-aari lamang nila, hindi kay Donald Trump, na inanunsyo na bibisita siya sa rehiyon para kunin ang kredito sa tinatawag niyang “makasaysayang okasyon,” at hindi sa mga lider sa Kanluran na kumita mula sa pagkawasak ng Gaza habang nagpapaunawa ng pagiging walang kinikilingan. Ang mga taong nagmamadaling pumunta sa kamera para kunin ang kredito ay yaong mga nagpahintulot na maging posible ang pagpatay ng lahi, na pinondohan ito ng bilyon-bilyong dolyar sa tulong militar, inarmasan ito ng mga misayl na ginagabayan ng tumpak at nagbigay ng diplomatikong takip sa United Nations habang paulit-ulit na binabaliwala ang mga resolusyon ng Konsehong Panseguridad ng UN para sa tigil-putukan. Inaprubahan ng Estados Unidos ang karagdagang $14.3 bilyon na tulong militar habang nagaganap ang pagpatay ng lahi, ilang beses na nilalampasan ang pangangasiwa ng kongreso upang isugod ang mga misayl ng Apache helikopter, 155mm mga bala ng artilerya, kagamitan na makakita sa gabi at mga bomba para sa pagwasak ng bunker na tumama sa mga ulo ng mga pamilya habang natutulog sila.

Dapat mahiya tayo na nakaupo sa kaginhawaan ng Kanluran. Gustong isipin ng mga Amerikano na sila ay nasa tamang panig ng kasaysayan. Sinisiguro natin sa sarili na kung nabuhay sana tayo noong panahon ni Jim Crow o ng Holocaust, gagawin natin ang lahat para pigilan ito. Ngunit may 340 milyong mga tao sa Amerika, at hindi natin napigilan na ang ating buwis ay magpondo sa paglipol. Hindi rin natin naipadala kahit na formula ng sanggol, habang pinanonood nating nanghihina ang mga bangkay ng mga sanggol. Marami ang nanahimik na katuwang, gumawa ng mga dahilan para sa hindi mapatawad, sinisi ang mga Palestino sa kanilang sariling kamatayan, at umiwas sa karumaldumal dahil ang pag-amin nito ay nangangahulugang haharapin ang papel ng ating sariling pamahalaan sa pagpopondo nito. Ang ating pagkabigo ay hindi nagtakip sa ahensiya ng mga Palestino; ginawa nitong mas kitang-kita.

Ang tanging paghigpit na may katuturan ay nagmula sa mga taong hindi pinatahimik ng Israel, mga Palestino sino nag-live stream ng kanilang sariling kamatayan upang hindi masabi ng mundo na hindi ito alam o tanggapin ang mga kasinungalingan ng Israel bilang katotohanan. Nakaligtas ang Gaza dahil sa sariling paglaban nito, isang paglaban na karapatan ng mga tao rito. Dumating ang tigil-putukan dahil ang pagtitiyaga ng mga Palestino ay nagpabasag ng isang bagay na hindi naabot ng mga bomba, dahil ang palabas ng pagiging biktima ng Israel ay nabuwag sa bigat ng livestreamed na karumal-dumal na gawain, at dahil lumihis ang pandaigdigang opinyon laban sa Israel sa kabila ng lahat ng pagsisikap na likhain ang pagsang-ayon para sa pagpatay ng lahi. Ang naabot nito ay nasusulat sa mga talaan ng namatay na sibilyan, hindi sa seguridad. Iyon ang nagpuwersa sa tigil-putukan na ito.

Alam ng pinakatanyag na makata ng Palestine na si Mahmoud Darwish kung paano ito magtatapos: “Magwawakas ang digmaan. Magkakamay ang mga pinuno. Patuloy na maghihintay ang matandang babae sa kanyang nabayaning anak. Maghihintay ang babaeng iyon sa kanyang minamahal na asawa. At maghihintay ang mga batang iyon sa kanilang maalamat na ama. Hindi ko alam kung sino ang nagbenta ng ating bayang sinilangan. Ngunit nakita ko kung sino ang nagbayad ng presyo.” Ngayon, nagtutulay sila ng kapayapaan sa pagitan ng pumatay at ng pinaslang, ng maninila at ng biktima, at tinatawag iyon na pag-unlad. Ang presyo ay binayaran sa dugo ng mga Palestino. At sa kung saan, isang matandang babae, isang bagong ikakasal o isang ulilang anak na babae ay patuloy na naghihintay na umuwi ang kanilang mga minamahal.

Gaza Celebration Belongs to Its People Alone, Not to Donald Trump

Dapat magkaroon ng buong pananagutan, hindi lamang para sa Israel kundi para sa bawat pamahalaan at korporasyong nagpayagan sa pagpatay ng lahi na ito. Dapat magkaroon ng komprehensibong embargong pangmilitar laban sa Israel kaagad, mga parusang pang-ekonomiya hanggang sa ganap na pag-urong mula sa mga nasasakupang teritoryo, kalayaan para sa mahigit 10,000 na mga bihag na Palestino, at reparasyon para sa muling pagtatayo na pagtutukoy at pamamahagi ng mga Palestino mismo. Dapat papanagutin ang mga kriminal ng digmaan sa The Hague, anuman ang pagtutol ng anumang bansa. Ito ay simula pa lamang. Ang katarungan ay hindi isang diplomatikong opsiyon; ito ang pinakamababang sukatan ng ating pagkataong magkakasama.

Ang “kapayapaang” ipinangako ng plano ni Trump ay namatay kasama ng bawat bata sa Gaza, bawat pamilyang nawalan ng tirahan, at bawat araw na tinawag ng mundo ang pagpatay ng lahi “pagtanggol sa sarili”, na inilangang hindi pinapansin ang hatol ng International Court of Justice noong 2004 na ang isang mananakop ay hindi maaaring mag-angkin ng pagtanggol sa sarili laban sa sinakop.

Ang tanging makatarungang hinaharap ay ang ganap na paglaya — isang demokratikong estado na may pantay na karapatan para sa lahat, na magsisimula sa karapatan ng Gaza na tukuyin ang sarili nitong kapalaran nang walang pagsalakay, walang pananakop at walang dayuhang kontrol na nagkukunwaring pagpapanatili ng kapayapaan. Ngunit una, nakuha ng mga tao ng Gaza ang karapatang magluksa, bilangin ang kanilang mga namatay at maayos na ilibing ang mga ito, at higit sa lahat, maramdaman ang munting sandali ng kagalakan na ito. Nakamit ng mga Palestino, sa pamamagitan ng di-masukat na pagdurusa, ang karapatang tukuyin kung ano ang hitsura ng kalayaan. Wala ang natitirang bahagi ng mundo upang magdikta sa kanila ng kabaligtaran.

Para sa mga nasa Kanluran, dapat nating tiyakin na hindi babalik sa normal ang mundo. Hindi tayo dapat mahimbing muli dahil lamang sa pansamantalang tigil-sa-bomba habang nagpapatuloy ang pananakop. Hindi maaaring magpatuloy ang Israel na parang hindi nito ginawa ang pinakamabigat na krimen ng ating salinlahi. Ang daan-daang libong mga Palestino na naging martir at pininsala ang humihingi ng katarungang hindi maaaring tanggihan.

Hindi tayo makakapahinga hanggang hindi nabuwag at napalitan ng kalayaan ang buong sistema ng pananakop at aparteid. Ito ay simula pa lamang. Palayain ang Palestine, mula ilog hanggang dagat.

 

3494945

captcha