IQNA

Isinagawa sa Kuwait ang mga Paligsahan sa Quran para sa mga May Kapansanan sa Paningin

16:40 - November 13, 2025
News ID: 3009078
IQNA – Isinagawa sa Kuwait ang kauna-unahang pambansang paligsahan sa Quran para sa mga may kapansanan sa paningin sa ilalim ng inisyatibo ng Mutamayizin Charity Foundation for the Service of the Quran.

A Quran competition for the visually-impaired in Kuwait

Ang paligsahan ay isinagawa sa ilalim ng temang “Paningin ng mga Puso” na nilahukan ng 120 kataong may kapansanan sa paningin, ayon sa ulat ng Al-Rai.

Layunin nitong suportahan ang pakikilahok ng mga taong may kapansanan sa mga gawaing may kaugnayan sa Quran at itaguyod ang kanilang mahalagang papel sa lipunan.

Ayon kay Yousef Al-Samiei, tagapangulo ng konseho ng administrasyon ng Mutamayizin Foundation, ang mga taong may kapansanan ay mahahalagang bahagi ng lipunan.

“Palagi naming sinisikap na suportahan at bigyan sila ng mga pagkakataong makibahagi sa iba’t ibang mga aktibidad.”

Dagdag pa niya, nakipagtulungan sa pagsasagawa ng paligsahan ang pribadong mga paaralan, Unibersidad ng Kuwait, General Directorate of Applied Education, Association of the Blind, at ang Al-Basira Club.

Ayon kay Al-Samiei, ang pagtutulungan ng nasabing mga institusyon ay nagpapakita ng kolektibong pagsisikap upang makalikha ng angkop na kalagayan para sa mga taong may kapansanan sa paningin at maipakita ang kanilang mga kakayahan at mga talento sa pagsasaulo ng Quran.

Dagdag pa niya, 120 na mga kalahok mula sa iba’t ibang mga pangkat ng edad ang lumahok sa paligsahang ito. Binanggit din niyang nabuo ang ilang mga grupo upang mapalawak pa ang partisipasyon at makalikha ng mga pagkakataon para sa mas maraming tagapagsaulo ng Aklat ng Diyos sa paligsahan.

Sabi niya, ang seremonya ng pagtatapos ng paligsahan kung saan pararangalan ang mga nagwagi ay nakatakdang ganapin sa ilalim ng pangangasiwa ng ministro ng ugnayang panlipunan ng Kuwait sa ika-6 ng Disyembre, 2025.

 

3495361

captcha