“Mayroon kaming dalawang malinaw na mga programa sa punong tanggapan; ang una ay ang sanayin ang 10 milyong mga tao upang isaulo ang Quran, at ang pangalawa ay ang magbukas ng 1,200 na mga paaralan na nakatuon sa pagsasaulo ng Quran,” sinabi ni Mohammad Mehdi Bahrololum sa isang panayam ng IQNA.
“Ang pangunahing bahagi ng pagtatatag ng mga paaralang para sa pagsasaulo ng Quran ay isinasagawa ng General Quran Education Commission, at naniniwala kami na dapat tayong magtuon sa tatlong pangunahing mga aspeto ng pagsasanay sa pagsasaulo ng Quran,” sabi niya.
“Dapat nating isaalang-alang ang tatlong tunay na mabisang bahagi sa pagsasaulo ng Quran: una ay ang mismong tagapagsaulo, pangalawa ay ang guro o instructor sino tungkulin ang pagtuturo, at pangatlo ay ang institusyong namamahala sa tagapagsaulo. Dapat nating hikayatin at bigyan ng motibasyon ang tatlong mga panig na ito.”
Binanggit niya na ang punong tanggapan, na nabuo noong 2017 at may kalihiman sa ilalim ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Gawain, ay pumasok sa bagong yugto ng operasyon noong Nobyembre ng nakaraang taon, na may kalihiman na itinatag sa Konseho ng Pag-uunlad ng Quranikong Kultura. Matapos ang ilang paghahanda at pagbabago sa istrukturang administratibo, ginanap ang unang pagpupulong ng mga kawani noong nakaraang buwan, na pinangunahan ng Samahan ng Islamikong Pag-uunlad.
“Dinisenyo namin ang apat na mga batayan sa ilalim ng punong tanggapan, at ang pinakamahalaga rito ay ang batayan para sa mga estudyante, kabilang ang mga bata at kabataan hanggang edad 18. Ayon sa karanasan ng mga guro ng pagsasaulo ng Quran, ang pinakamainam na edad para magsasaulo ng Quran ay nasa pagitan ng 12 hanggang 18 taong mga gulang. Sa panahong ito nabubuo ang interes ng isang tao, kaya ang Kagawaran ng Edukasyon ay itinuturing naming isa sa aming pinakamahalagang katuwang.”
Dagdag pa niya, “Ang susunod naming batayan ay para sa mga akademiko, bagama’t mas nakatuon sila sa proseso ng edukasyon at may sariling mga alalahanin katulad ng trabaho. Ang ikatlong batayan, na alin nasa Organisasyon ng Basij, ay isang pangmasang batayan, at ang ikaapat ay nasa loob ng sandatahang lakas.”
Ang pangunahing layunin at pananaw ng Steering Committee ay maisakatuparan ang tagubilin ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko sa
larangan ng pagsasanay ng 10 milyong tagapagsaulo ng Quran.
Nang tanungin kung ano ang mga panandalian, katamtaman, at pangmatagalang plano ng komite sa usaping ito, sinabi niya, “Mayroon kaming pananaw sa Ikapitong Plano ng Kaunlaran, at iyon ay ang turuan ang 10 milyong mga tao, na bahagi ng aming pangako. Ipinahayag din ng Pangulo na ang aming ‘mapa na daan’ ay ang Ikapitong Plano, at iniatas niya sa Ministro ng Kultura at Gabay Islamiko na pangunahan ang sektor ng kultura, kabilang ang mga usaping Quraniko, sa planong ito.”
“Ang nabanggit na bilang ay napakahalaga para sa amin. Gayunpaman, tama lamang na hilingin ni Ginoong (Mohammad) Qomi, pinuno ng Organisasyong Pagpaunlad na Islamiko, na bumuo kami ng tiyak na programa na may partikular na takdang panahon, sapagkat batay sa kahilingan ng Pinuno na sanayin ang 10 milyong mga tao, dapat ay magkaroon ng isang tagapagsaulo ng Quran sa bawat walong mga tao. Kaya’t dapat malinaw ang aming katayuan at dapat naming isulong ito ayon sa takdang panahon at estadistika.”
Binigyang-diin niya na napakahalagang magkaroon ng tiyak na programa sapagkat mula pa noong 2011 “wala pa tayong natamong malaking tagumpay sa pagsasanay ng mga tagapagsaulo ng Quran. Kailangang suriin ang landas at tukuyin ang mga problema upang malaman ang dahilan ng kakulangan ng tagumpay at makapagpatuloy tayo nang naaayon.”
“Sinimulan na namin ang prosesong ito, at kaugnay nito, inimbitahan namin ang isang grupo ng mga dalubhasa na bihasa sa proseso ng pagsasaulo ng Quran at may kaalaman din sa larangan ng pamamahala. Idinaos ang unang pagpupulong kung saan nagkaroon ng talakayan at napagkasunduan ang isang pamamaraan para sa komprehensibong planong ito, na inaasahang mabubuo bago matapos ang taong ito at ihaharap sa Pinuno ng Rebolusyon ni Hojat-ol-Islam Qomi.”
Tinapos ni Bahrololum ang panayam sa pagbibigay-diin na ang pagsasanay ng mga tagapagsaulo ng Quran ay hindi dapat nakasalalay sa iisang guro, isang institusyon, isang tao, o limitadong bilang ng mga indibidwal. Lahat ng mga kakayahan at mga mapagkukunan ay dapat gamitin upang makamit ang makabuluhang pag-unlad sa larangang ito.