IQNA

Pandaigdigang Paligsahan sa Quran para sa mga Mag-aaral na Muslim: Itinalaga ang mga Opisyal at mga Kasapi ng Komiteng Ehekutibo na Pinangalanan

5:44 - November 16, 2025
News ID: 3009080
IQNA – Ipinakilala ang pinuno, kalihim, at mga kasapi ng komite ehekutibo ng Ika-7 Pandaigdigang Paligsahan sa Quran para sa mga Mag-aaral na Muslim.

A contender in a previous edition of the International Quran Competition for Muslim Students.

Si Ali Montazeri, pinuno ng Iraniano Akademikong Sentro para sa Edukasyon, Kultura at Pananaliksik (ASEKP), ang nagtalaga ng mga opisyal sa magkakahiwalay na mga kautusan noong Martes.

Ayon sa tanggapan ng relasyong pampubliko ng ASEKP, itinalaga ni Montazeri si Mahmoud Aligou, ang kinatawang pangkultura ng sentro, bilang pinuno, at si Jalil Bayt Mashali, pinuno ng Organisasyong Quraniko ng Akademikong Iraniano, bilang kalihim ng edisyong ito ng pandaigdigang kaganapan ng Quran.

Gayundin, sina Mohsen Masjeedjamei, Laleh Shakour Shahabi, at Masoumeh Sabour ay itinalaga bilang mga miyembro ng komite ehekutibo para sa ika-7 edisyon.

“Umaasa kami na sa pakikipagtulungan ng iginagalang na mga miyembro ng komite ehekutibo at sa pag-asa sa Makapangyarihang Panginoon, maihahanda ang lahat para sa marangal na pagdaraos ng edisyong ito ng Pandaigdigang Paligsahan sa Quaran para sa mga Mag-aaral na Muslim, at nawa’y maging matagumpay kayo sa pagtupad ng inyong tungkulin,” sabi ni Montazeri sa mga kautusan.

Ang Samahang Quraniko ng Akademikong Iraniano, na kaanib ng ACECR, ay nagsasagawa ng paligsahan mula pa noong 2006 na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mag-aaral ng Muslim sa buong mundo at pataasin ang antas ng Quranikong mga gawain.

Ang kaganapang ito ngayong taon ay kasunod ng anim na matagumpay na mga edisyon ng paligsahan, na alin nagpunong-abala ng mga kalahok mula sa higit 85 na mga bansa at nagdulot ng malaking ambag sa Quraniko at pangkultura na pakikilahok sa buong mundong Islamiko.

Ang Ika-6 na edisyon ay ginanap sa banal na lungsod ng Mashhad, sa timog-silangan ng Iran, noong Abril 2018.

 

3495368

captcha