Ang Ta’avon ay isang relihiyosong salita na may moral na kahulugan, na literal na nangangahulugang kooperasyon, pagtutulungan, at pakikilahok. Gayunpaman, ginagamit din ito bilang isang siyentipikong termino sa iba’t ibang larangan mga agham kagaya ng biyolohiya, ekolohiya, sosyolohiya, antropolohiya, sikolohiya, ekonomiya, at pag-unlad. Sa pangkalahatan, ito ay ginamit sa maraming mga konsepto, at ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagtutulungan at pinagsamang pagsisikap upang matugunan ang isang karaniwang pangangailangan.
2. Pagtulong sa sarili at hindi pag-aantay ng tulong mula sa iba.
3. Pagtutulungan at pagkilala na ang tagumpay ng isa ay nakasalalay din sa tagumpay ng iba.
4. Mga gawaing nagaganap sa loob ng isang kooperatibang samahan.
5. Pagtulong sa kapwa. Batay sa kahulugang ito ng Ta’avon, ito ay tumutukoy sa pagtulong sa iba nang hindi umaasa ng kapalit o iniisip ang anumang pakinabang na makukuha mula rito — isang ganap na anyo ng pagtutulungan, sakripisyo, at pag-aalay ng sarili. Sa praktikal na buhay ng Banal na Propeta (SKNK) at ng kanyang pamilya (AS), karamihan sa kanilang mga pagsisikap upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa ay isinagawa sa anyo ng Ta’avon bilang pagtutulungan, na sa maraming pagkakataon ay humantong din sa sakripisyo at pag-aalay ng sarili.
Itinuturing ng Islamikong paaralan ng kaisipan ang kooperasyon bilang isa sa mga kinakailangan ng wastong pag-iisip, at sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kabutihang-loob at pagiging maagap sa pagtutulungan ng mga mananampalataya, binabalaan sila laban sa anumang uri ng kooperasyong may kaugnayan sa mga kasamaan na maaaring magpalaganap ng hindi pagkakapantay-pantay at kawalang-katarungan sa lipunan.