IQNA

Inilunsad ng Astan ng Dambana ni Imam Ali ang mga Sesyong Quraniko sa 14 na mga Lalawigan ng Iraq

17:17 - October 15, 2025
News ID: 3008966
IQNA – Inanunsyo ng Sentrong Dar-ol-Quran na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ni Imam Ali (AS) ang pagsisimula ng mga sesyong Quraniko sa labing-apat na mga lalawigan ng Iraq.

A Quranic session organized in Iraq by the Dar-ol-Quran Center affiliated to the Astan (custodianship) of Imam Ali (AS) holy shrine.

Ayon sa website ng Astan, sinimulan na ng sentro ang pagsasagawa ng mga sesyong Quraniko sa mga lalawigan ng Nineveh, Kirkuk, Basra, Diyala, Dhi Qar, Salah al-Din, Baghdad, Wasit, Diwaniyah, at Muthanna, bukod pa sa iba.

Isang grupo ng mga iskolar mula sa seminaryo at mga dalubhasa sa pag-aaral ng Quran ang lumalahok sa mga pulong na ito upang magbahagi ng mga aral at mga pananaw hinggil sa Quran,

Ayon kay Alaa Mohsin, pinuno ng sentro, ang layunin ng programang ito ay palaganapin ang kulturang Quraniko at kamalayan, at palakasin ang ugnayan sa mga institusyong Quraniko sa iba’t ibang mga rehiyon ng Iraq.

Sabi niya, ang mga sesyon ay nagtataguyod ng malalim na pagninilay sa Banal na Quran at sinusuri ang epekto nito sa personal at panlipunang pag-unlad. Idinagdag niya na tatalakayin din ang papel ng panrelihiyong mga institusyon sa pagtatatag ng tunay na mga halagang Quraniko.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng mga pagsisikap ng Astan upang palaganapin ang kamalayang panrelihiyon at kulturang Quraniko, gayundin upang patatagin ang ugnayan sa Banal na Quran, na isinasakatuparan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programang panglarangan sa mga lalawigan ng Iraq.

Malaki ang naging pag-unlad ng mga gawaing Quraniko sa Iraq mula nang mapabagsak ang dating diktador na si Saddam Hussein noong 2003.

Sa nagdaang mga taon, dumarami ang mga programang Quraniko kagaya ng mga paligsahan, mga sesyon ng pagbigkas, at mga programang pang-edukasyon na ginaganap sa bansa.

 

3494990

captcha