IQNA

Tanyag na Ehiptiyanong Qari, Pinuri ang Pagbabalik ng Katayuang Sheikh al-Qurra

18:10 - October 21, 2025
News ID: 3008988
IQNA – Ayon kay Ahmed Ahmed Naina, isang matataas na Ehiptiyano na tagapagbasa ng Quran, ang pagbabalik ng katayuang Sheikh al-Qurra (Hepe ng Tagapagbasa) sa bansa ay magbabalik sa tanyag na mga qari sa larangan ng pagbasa ng Quran.

Ahmed Ahmed Naina, a senior Egyptian Quran reciter

Kamakailan ay itinalaga ng Ministro ng Awqaf ng Ehipto si Nuaina bilang Sheikh al-Qurra ng bansa. Ayon kay Nuaina, “Ang pagbabalik ng katayuang Sheikh al-Qurra bilang isang institusyong hiwalay sa samahan ng mga tagapagbasa ay isang mahalagang hakbang sa kasaysayan na muling nagdadala ng dakila at tanyag na mga mambabasang Ehiptiyano sa entablado,” ayon sa ulat ng Newsroom.

Binigyang-diin niya na ito ay sumasalamin sa pagsisikap ng pamahalaan ng Ehipto na protektahan ang Quran at ang mga taong naglilingkod dito, at ipinapakita rin nito ang determinasyon ng bansa na mapanatili ang tunay na pamana ng pagbasa ng Quran sa estilo ng Ehipto.

Ayon sa kanya, ang kapasyahang ito, bago pa man ito maging pormalidad, ay may dalang mabigat na pananagutan. Binigyang-diin niya na ang kanyang pagkakahalal bilang Sheikh al-Qurra ay naglalagay ng malaking tungkulin at misyon sa kanyang balikat.

Nananalangin si Nuaina sa Makapangyarihang Diyos na tulungan siyang gampanan ang tungkuling ito bilang isang tiwala sa pinaka-perpektong paraan upang kanyang matugunan ang inaasahan ng pamahalaan ng Ehipto sa paglilingkod sa Aklat ng Diyos, sa mga tagapagbasa, at sa mga tagapagdala ng Quran.

Samantala, pinuri ni Abdel Ghani Hendi, kasapi ng Pinakamataas na Konseho para sa Islamikong mga Kapakanan ng Ehipto, ang Ministro ng Awqaf sa kanyang desisyong buhayin muli ang Pinakamataas na Konseho para sa Pagbigkas at italaga si Nuaina bilang Sheikh al-Qurra. Ayon sa kanya, ang pagpili kay Nuaina para sa posisyon na ito matapos ang higit limampung mga taon ng paglilingkod sa Quran ay isang matalinong desisyon na nagpapakita ng hangaring ibalik ang dangal at katayuan ng mga tagapagbasa ng Quran.

Inilarawan niya na ang dakilang mga tagapagbasa ng Quran ng Ehipto ay ang “malambot na kapangyarihan” ng bansa. Dagdag pa niya, si Nuaina ay isang mahusay na qari na may natatanging lugar sa Ehipto at nakipagtulungan na sa kilalang mga tagapagbasa katulad nina Sheikh Abdul Basit Abdul Samad, Sheikh Mustafa Ismail, Sheikh Abu al-Ainain Shuaisha, at iba pang tanyag na mga qari.

Si Ahmed Ahmed Nuaina ay ipinanganak noong 1954 sa Matubas, Kafr al-Sheikh. Natapos niyang kabisaduhin ang buong Quran sa edad na walong taon at kalaunan ay nag-aral ng medisina sa Alexandria University, kung saan siya naglingkod sa mga ospital.

 

3495067

captcha