
Sa isang pagpupulong na ginanap sa Tehran noong Linggo upang makuha ang mga pananaw ng mga iskolar at dating mga tagapangulo ng pagtatanghal sa nakaraan na mga taon, sinabi ni Hojat-ol-Islam Hamidreza Arbab Soleimani na ang pagpapakita ng Quran ay isang simbolo ng pagkakaisa ng pamayanang Quraniko na Iraniano sa Iran. Binanggit niya na ang Pagtatanghal ng Banal na Quran na Pandaigdigan sa Tehran ay isa sa pinakamahalagang kaganapang pangkultura ng Republikang Islamiko ng Iran.
Sa kasalukuyang kalagayan, ang mundo ay nahaharap sa tatlong pangunahing mga krisis: pampulitika, kagandahang asal, at pang-ekonomiya at ang ugat ng lahat ng ito ay ang krisis sa kagandahang-asal. Ayon sa kanya, ang paglaganap ng makamundong kaisipan at labis na paghahangad ng kaginhawaan ay nagpalala sa mga suliraning pandaigdig. “Ang kultura ng makamundong pag-iisip at pagiging makasarili ay nakaapekto sa lipunan, at pinalala nito ang iba pang mga krisis. Ang lunas lamang dito ay ang pagkakilala sa Banal na Quran at ang pagsunod sa mga utos nito.”
Nagpatuloy siya sa pamamagitan ng pagbanggit sa Banal na Quran, sinabi: Ayon sa Panginoon sa Surah Yunis, Talata 57: “O sangkatauhan! Ito ay isang paalala mula sa inyong Panginoon at isang lunas sa mga puso ng mga mananampalataya.” Ayon sa kanya, kung nais ng mundo ngayon na umunlad, wala nang ibang paraan kundi ang mamuhay ayon sa turo ng Quran.
Ipinahayag niya na ang Pagtatanghal ng Banal na Quran ay maaaring maging daan upang maipakita ang mga kaalaman at mga tagumpay tungkol sa Quran, at inilarawan niya ito bilang isang malawak na paglalakbay tungo sa banal na karunungan kung saan maaaring ibahagi ng mga aktibista ng Quran sa bansa ang kanilang mga karanasan at mga inobasyon. “Umaasa kami na maalis ang mga hadlang sa pagdaraos ng Ika-33 edisyon ng pagpapakita ito upang masaksihan natin ang isang marangal na kaganapan na karapat-dapat sa dangal ng Islamikong Republika.”
Dagdag pa ni Hojat-ol-Islam Arbab Soleimani, “Sa ngayon, nagsagawa kami ng halos walong pagpupulong sa Sentro ng Kataas-taasang Quran at nakinabang kami sa mga pananaw at mga karanasan ng mga dalubhasa at mga tagapamahala ng Quran (hinggil sa paghahanda ng pagpapakita).”
“Sa bagong yugto, balak rin naming isama ang mga pananaw ng mga dalubhasa at mga tagapamahala sino naging responsable sa nakaraang mga taon ng pagpapakita ng Quran upang magamit namin ang kanilang mahahalagang mga karanasan sa susunod na mga hakbang.”
Dagdag pa niya, “Umaasa kami na ang Ika-33 na Pagpapakita ng Quran ay maisasagawa nang may lakas, maingat na pagpaplano, at paggamit ng lahat ng mga kakayahang pangkultura, pangsining, at pangmidya. Ang pagpapakitang ito ay magiging lugar upang maipakita ang mga gawa at mga produktong Quraniko at maibahagi ang mga karanasan ng mga aktibista sa larangang ito.”
Tinapos niya sa pagsasabing ang pagpapakita ng Quran ay hindi lamang isang biswal na kaganapan, kundi dapat ding maging lugar ng pagkatuto, karanasan, at pagpapalalim ng kaalaman sa mga aral ng Quran.
Nagsalita rin sa pagpupulong si Ali Reza Moaf, dating Kinatawan ng Kagawaran ng Kultura, sino nagsabi ang pandaigdigang pagpapakita ng Quran ay isang dakilang pangyayari at biyaya ng sistemang Islamiko at ng rebolusyon, na alin nabuo sa ilalim ng estratehikong pananaw ni Imam Khomeini (RA) at Ayatollah Seyed Ali Khamenei, at dapat itong isagawa nang buong lakas at karangyaan.
Ipinunto rin niya na ang pandaigdigang mga paligsahan at mga pagpapakita ng Quran ay nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga sa Banal na Aklat ng Islamikong Republika, at idinagdag niyang malinaw na mga palatandaan ito ng pagbibigay-prayoridad sa Quran sa mga patakarang pangkultura ng bansa.
Ang Pandaigdigan na Pagtatanghal ng Banal na Quran sa Tehran ay taunang ginaganap tuwing banal na buwan ng Ramadan sa ilalim ng pangangasiwa ng Iraniano na Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga palatuntunan kagaya ng espesyal na mga sesyon, mga paggawaan na pang-edukasyon, mga pagtitipong Quraniko, at mga aktibidad para sa mga bata at mga binatilyo, mga layunin ng pandaigdigang kaganapan na palaganapin ang mga konsepto at mga gawain hinggil sa Quran.
Ang pagpapakita ay nagsisilbi ring plataporma upang maipakita ang pinakabagong mga tagumpay hinggil sa Quran sa Iran at iba’t ibang mga produktong inilaan para sa pagpapalaganap ng Banal na Aklat.