IQNA

Iranianong Qari Inaasahang Mahigpit ang Laban sa Pandaigdigang Paligsahan sa Quran ng Pakistan

18:01 - November 26, 2025
News ID: 3009123
IQNA – Sinabi ng kinatawan ng Islamikong Republika ng Iran sa unang pandaigdigang paligsahan sa Quran ng Pakistan na inaasahan niyang magiging mahigpit ang laban sa naturang paligsahan.

Iranian qari Adnan Momenin is representing Iran in the first international Quran contest of Pakistan.

Sa panayam ng IQNA, sinabi ni Adnan Momenin, sino nasa Islamabad, na mataas ang antas ng kalahok na mga qari sa paligsahang kilala bilang Husn Qara’at o “Mabuting Pagbigkas,” dahil bawat isa sa kanila ay nakilahok na sa iba’t ibang pandaigdigang mga paligsahan. Kasama ni Momenin sa paligsahan si Gholam Reza Shahmiveh, isang kilalang dalubhasa ng Quran, bilang kanyang gabay.

Sinimulan ang Quranikong pagdiriwang sa Islamabad noong Lunes at tatakbo ito hanggang Nobyembre 29.

 

IQNA: Mangyaring ibahagi ninyo ang tungkol sa inyong mga gawain at pinagmulan sa larangan ng Quranikong mga kapakanan.

Momenin: Ako ay 30 taong gulang at nakatira sa lungsod ng Khorramshahr (timog-kanluran ng Iran). Noong nakaraang taon, isa ako sa mga pinalista sa Pambansang Quranikong Paligsahan ng Iran, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ako nagwagi ng titulo. Gayunpaman, dahil sa aking paglahok sa pangwakas ng paligsahan, nagkaroon ako ng pagkakataong magbigkas sa harapan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon sa simula ng banal na buwan ng Ramadan ngayong taon.

Ako ay kasapi ng “Misbah-ul-Huda” Pandaigdigang Pangkat ng Tawashih mula sa Abadan, at matapos naming manalo ng unang puwesto sa mga paligsahan ng Tawasheeh, inimbitahan kami sa Tanzania noong 2017, at sa parehong taon, itong pangkat ay nagtanghal sa harapan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon. Noong 2022, naparangalan akong makadalo sa Hajj bilang bahagi ng Noor (liwanag) ng Quranikong Kumboy, at noong nakaraang Ramadan, ipinadala ang mga kasapi ng Misbah-ul-Huda na Pangkat sa Tsina.

 

IQNA: Mangyaring ikuwento ninyo ang tungkol sa Quranikong paligsahan sa Pakistan. Ano ang inaasahan ninyo tungkol sa kalidad ng mga pagtatanghal?

Momenin: Ang pangalan ng paligsahang ito ay Husn Qara’at, at dahil ito ay unang pagkakataong ginaganap, tila haharap kami sa isang mahigpit na labanan sapagkat ang ilan sa mga kalahok ay nagwagi na ng mga ranggo sa iba’t ibang pandaigdigang mga paligsahan. Ang Kagawaran ng Panrelihiyong Kapakanan ng Pakistan ang nangangasiwa sa pag-oorganisa ng paligsahang ito sa larangan ng pagbigkas. Nagsimula ang paligsahan kahapon, Lunes, Nobyembre 24, at magpapatuloy ito hanggang Biyernes, Nobyembre 29.

Pagkatapos ng seremonya ng pagtatapos, ang nangungunang tatlo sa kumpetisyong ito ay bibigyan ng mga gantimpala at mga parangal, at mananatili sila sa Islamabad sa loob pa ng tatlong mga araw, hanggang Disyembre 3.

 

IQNA: Kailan naman ang inyong turno upang magbigkas sa paligsahan?

Momenin: Tungkol sa patas para sa pagbigkas, nais kong sabihin na ang ilan sa mga kalahok sa mga Pangkat 1 at 2 ay nabigyan na ng turno na magbigkas, at sila ay magbigkas ngayong araw o sa susunod na dalawang mga araw, ngunit ang aking turno ay malamang na mapunta sa ikaapat na araw ng pandaigdigang kaganapan na ito.

 

3495518

captcha