IQNA

Isang Paaralang Quraniko ang Binuksan sa Gaza sa Tulong ng Kampanyang ‘Iran Hamdel’

20:46 - December 18, 2025
News ID: 3009201
IQNA – Isang paaralang Quraniko ang binuksan sa Lungsod ng Gaza sa tulong ng kampanyang “Iran Hamdel” at sa pakikipagtulungan ng Instituto ng Ahl al-Quran ng Gaza.

A Quranic school in Gaza

Itinatag ang Paaralang Quraniko ng Sayed Hashem na may layuning palawakin ang mga serbisyong panrelihiyon at pang-edukasyon para sa mga bata at mga kabataan sa Gaza Strip.

Nagsisilbi rin ito sa pagtuturo ng mga araling Quraniko at pang-edukasyon sa mga mag-aaral. Ang pagbubukas ng sentrong pang-edukasyon na ito ay mainit na tinanggap ng mga pamilyang labis na naapektuhan ng digmaan at ng mga debotong mga mamamayan ng Lungsod ng Gaza.

Ang pagkakatatag ng paaralan ay bahagi ng mga gawaing pangkultura at makatao ng kampanyang Iran Hamdel at naglalayong palakasin ang diwa ng paglaban at pag-asa ng mga mamamayan ng Gaza.

Ang kampanya, na alin nagsagawa na ng kahalintulad na mga inisyatiba sa ibang mga bansa, ay patuloy sa hangarin nitong ipakita ang pakikiisa ng mga Iraniano sa mga taong Palestino at ang suporta sa mga mamamayang Palestino sa pamamagitan ng iba’t ibang mga palatuntunang pang-abot-kamay.

 

3495761

Tags: Gaza Strip
captcha