IQNA

Pinuri ng Isang Kleriko ang Matibay na Pagtugon ng mga Yemeni sa Paglapastangan sa Quran

19:12 - December 23, 2025
News ID: 3009218
IQNA – Inilarawan ng pinuno ng Konseho ng Iran para sa Pagpapaunlad ng Kulturang Quraniko ang matibay na kilos ng mamamayan ng Yaman sa kamakailang paglapastangan sa Quran bilang kapuri-puri.

People across Yemen poured into the streets this week (late December 2025) to denounce the desecration of the Holy Quran in the US and voice support for Palestine.

Sa isang mensaheng inilathala sa mga himpilang panlipunan sa wikang Arabik, pinuri ni Hojat-ol-Islam Mohammad Qomi ang mga protestang isinagawa sa Yaman matapos insultuhin ng isang kandidato sa Kongreso ng US ang Quran. “Sumainyo nawa ang kapayapaan at mga pagpapala ng Diyos, kayong matiisin at matatag na mamamayan ng Yaman sino nanindigan sa inyong mga paniniwala at ipinakita ang tradisyong Muslim sa lahat ng mga Muslim,” isinulat ni Hojat-ol-Islam Qomi, sino siya ring pinuno ng Samahan ng Islamikong Pagpapaunlad.

“Ang Quran ang inyong tagapagtanggol at tagasuporta. Iniuugnay ninyo ang inyong kasaysayan sa dangal at karangalan. Para sa inyo, ang Quran ay hindi lamang isang aklat; ito ang dugong-buhay na dumadaloy sa mga ugat ng paglaban, at sa pag-asa rito, itinulak ninyo ang kaaway mula sa mga bundok ng Yaman hanggang sa lupain ng Gaza tungo sa kawalan ng pag-asa. Sa pagsunod sa inyong halimbawa, sinasabi namin kasama ng inyong banal na galit: Kamatayan sa Amerika at Kamatayan sa Israel.”

Cleric Commends Yemenis’ Strong Reaction to Quran Desecration

Noong nakaraang linggo sa Plano, Texas, nagdulot ng malawakang pagkondena ang kandidatong Republikano sa Senado mula Florida na si Jake Lang matapos niyang lapastanganin ang isang kopya ng Quran sa isang pampublikong demonstrasyon.

Ang naturang gawain ay kinondena ng mga sambayanan ng Muslim, mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, at pandaigdigang mga tagamasid, sino naglarawan dito bilang isang mapanuksong pag-insulto sa mga paniniwalang panrelihiyon.

Sa buong Yaman, nagtipon ang mga tao sa mga lansangan ngayong linggo upang kondenahin ang paglapastangan sa Banal na Quran sa US at ipahayag ang suporta para sa Palestine, sa gitna ng lumalaking galit sa buong mundong Muslim dahil sa kamakailang mga gawaing anti-Islam.

Isinagawa ang malawakang pagtipun-tipunin sa ilalim ng salawikain, “pangkalahatang mobilisasyon at kahandaan sa pagsuporta sa Banal na Quran at sa Palestine.”

Itinaas ng mga kalahok ang mga kopya ng Quran at mga bandilang nagpapahayag ng hindi matitinag na paninindigan para sa banal na aklat ng Islam.

Binigyang-diin ng mga nagtipon na “anumang pag-insulto sa Banal na Quran ay isang pagsalakay sa buong Ummah [bansang Islamiko].”

Muli ring pinagtibay ng mga nagprotesta ang suporta para sa Palestine, na nagsasabing mananatiling aktibong kasangkot ang Yaman sa pangunahing mga adhikain ng Ummah.

 

3495815

captcha