IQNA

Ang Paglapastangan ay Bahagi ng Nakababahalang Pagtaas ng mga Krimeng Poot Laban sa mga Muslim sa Kanluran

19:21 - December 23, 2025
News ID: 3009219
IQNA – Ang kamakailang paglapastangan sa isang Quran sa Moske ng Stockholm ay hindi isang hiwalay na pagnayayari kundi bahagi ng isang nakababahalang pagtaas ng mga panunulsol at mga krimeng poot laban sa mga Muslim sa Sweden at sa iba pang bahagi ng Kanluran.

A protest against Quran desecration in Sweden

Ang rasistang pagsalakay sa labas ng Malaking Moske ng Stockholm noong Linggo ay muling nagpaigting ng mga alalahanin tungkol sa lumalalang Islamopobiya sa buong Kanluran, na nagbibigay-diin sa sunod-sunod na mga pangyayari ng paglapastangan sa Quran at sa mas malawak na klimang pampulitika na nagbigay-daan sa mga ito, ayon sa isinulat ni Kamal Al Shami, korespondente na Arab ng 5 mga Pillars.

Isang seryosong rasistang pangyayari na ang naganap noong Linggo ng hapon malapit sa Malaking Moske ng Stockholm. Isang kopya ng Banal na Quran ang natagpuang nakatanikala sa rehas na patungo sa moske, na may malinaw na bakas ng anim na mga butas ng bala.

May nakadikit din sa Quran na isang sticker na may madilim at

nagbabantang mensahe: “Salamat sa pagbisita, ngunit oras na para umuwi.”

Isinulat sa parehong Arabiko at Swedish, malinaw na nais ng salarin sa likod ng mapanirang gawain na ipaalam sa lahat ang kanyang hangarin. Gusto niyang maging lantad ito. Nabigla ang mga sumasamba at panloob na mga residente sa pagkakadiskubre, lalo na’t ang sambayanan ay dati nang naging target ng mga rasistang ekstremista at mga Islamopibiyano mula sa dulong kanan.

Inilarawan ng mga kinatawan ng moske ang insidente bilang isang tuwirang pagsalakay sa kalayaan sa relihiyon at sa personal na kaligtasan. Sa isang pahayag, kinumpirma ng pamunuan ng moske na “isang kopya ng Quran na may anim na mga butas ng bala ang nakatanikala sa rehas ng hagdan malapit sa moske.”

“Ang insidenteng ito ay naganap sa panahong patuloy ang pagtaas ng mga panunulsol at krimeng poot laban sa mga Muslim sa Sweden, kasabay ng lalong rasista at nahahating kalagayang panlipunan,” ayon kay Mahmoud AlKhalafi, Direktor ng Sentro.

“Ang mga pangyayaring ito ay nagbubunsod ng seryosong pangamba tungkol sa kaligtasan ng mga saambayanang panrelihiyon at sa paggalang sa kalayaan sa relihiyon.”

Itinuring ng pulisya ng Sweden ang insidente bilang isang krimeng poot, habang nananawagan naman ang mga Samahan ng Muslim na mas matibay na proteksyon at mas malinaw na pagkondena mula sa mga pinuno ng pampulitika.

Hindi nag-iisa ang pagsalakay nito. Sa nakalipas na mga taon, paulit-ulit na naging entablado ang Sweden ng mga mataas-ang-propilyong paglapastangan sa Quran, na kadalasang isinasagawa sa ilalim ng proteksyon ng mga batas sa kalayaan sa pananalita.

Ang mga gawaing ito ay nagdulot ng pandaigdigang galit at naglagay sa mga sambayanan ng Muslim sa mas matinding presyon sa loob ng bansa.

Noong 2022, ang mga panunulsol ng dulong kanan na pinangunahan ng Danish-Swedish ekstremista na si Rasmus Paludan ay humantong sa marahas na kaguluhan sa maraming mga lungsod, na nagpapakita kung paano maaaring lumala ang simbolikong mga pagsalakay tungo sa mas malawak na alitang panlipunan.

Nagpunong-abala din ang Sweden ng kilalang mga personalidad na Islamopobiko, na ang kanilang mga kilos at pananalita ay nagbigay-normalisasyon sa poot laban sa mga Muslim.

Si Rasmus Paludan, ang nagtatag ng Danish na partidong anti-imigrasyon na Stram Kurs, ay paulit-ulit na nagsunog ng mga kopya ng Quran sa mga demonstrasyon.

Kalaunan, hinatulan siya ng isang korte sa Sweden ng apat na buwang pagkakakulong sa dalawang bilang ng “panunulsol laban sa isang etnikong pangkat,” na nagsasabing ang kanyang mga pahayag laban sa mga Muslim ay “hindi maaaring idahilan bilang kritisismo sa Islam o bilang gawaing pampulitikang kampanya.” Ang kanyang mga protesta ay nagpasiklab ng mga kaguluhan at malawak na itinuring na nagpalakas ng ekstremistang damdamin.

Isa pang kaso ang kinasangkutan ni Salwan Momika, isang Iraqi na naninirahan sa Sweden, sino nagsagawa ng sunod-sunod na mga protestang anti-Islam noong 2023, kabilang ang pagsunog ng Quran sa labas ng Sentrong Moske ng Stockholm. Ang mga gawaing ito ay nagpasiklab ng kaguluhan sa ilang mga bansang mayoryang Muslim at nagdulot ng tensyong diplomatiko, kabilang ang mga protesta sa embahada ng Sweden sa Baghdad.

Ayon sa mga tagausig ng Sweden, si Momika ay kalaunang nabaril at napatay sa isang apartment sa Södertälje malapit sa Stockholm. Nagbigay ng pahintulot ang pulisya ng Sweden sa mga demonstrasyon alinsunod sa mga batas sa kalayaan sa pananalita isang kapasiyahan nananatiling lubhang kontrobersiyal.

Sa buong Scandinavia, patuloy ang pagtaas ng Islamopobiya kasabay ng tagumpay sa halalan ng mga partidong kanan at ng mas mahigpit na retorika hinggil sa imigrasyon at pambansang identidad isang kalakarang nagaganap din sa malaking bahagi ng Uropa.

Noon, ang mga puwersang dulong kanan ay ginawang kambing na itim ang mga Hudyo para sa mga suliraning pampulitika ng kontinente. Ngayon, malinaw na ang mga Muslim naman ang sinisisi. Hindi lamang Uropa ang pugad ng mga protestang laban sa Islam. Sa Amerika, nakitaan ng nakababahalang pagdami ng mga paglapastangan sa Quran at pagsalakay sa sambayanan ng Muslim.

Si Jake Lang, isang kandidatong Republikano para sa Senado ng US, ay nagtangkang magsunog ng isang kopya ng Quran sa isang martsa laban sa Islam sa sentrong Muslim-Amerikano ng Dearborn, Michigan noong Nobyembre, ngunit nabigo matapos agawin ng lokal na mga Muslim ang kanyang kopya. May hawak umano siyang lalagyan ng panggatong habang ibinabato niya sa lupa ang banal na aklat ng Islam sa gitna ng pagtipun-tipunin, dahilan upang agawin ito ng isang kontra-tagaprotesta bago pa ito masindihan.

Dahil sa galit, nagtungo si Lang sa Texas upang magsagawa ng kahalintulad na protestang laban sa Islam, kung saan kinunan niya ang sarili na nilalapastangan ang Quran gamit ang ulo ng baboy sa labas ng Moske ng EPIC sa Plano, Texas noong Disyembre 13.

Si Lang, na naglalarawan sa sarili bilang isang Kristiyanong nasyonalista, ay bahagi ng dumaraming bilang ng ekstremistang mga aktibistang maka-Israel sino agresibong nagpapalaganap ng malalim na mapoot na mensaheng Islamopobiko at nagbababala tungkol sa umano’y “banta ng Islam” at isang sinasabing pananakop ng Islam sa Kanluran.

Ang Quran ay minamahal ng lahat ng mga Muslim, at dahil dito ito ang tinatarget ng mga aktibistang dulong kanan; gayunpaman, ang isang karaniwang salik na nag-uugnay sa mga mangangaral ng poot na ito ay hindi lamang ang kanilang galit sa Islam-kundi ang kanilang pagmamahal sa Israel at ang posibleng suporta mula sa maka-Israel na mga aktor.

Unti-unti nang namumulat ang mga tao sa katotohanang ito, ngunit hindi sapat ang bilis. Sa halip, ang poot at panggigipit laban sa mga Muslim ay mabilis na lumalala, at ang mga panganib sa kanilang kaligtasan ay ramdam na ramdam. Tila tapos na ang panahong sa Gitnang Silangan lamang napapahamak o napapatay ang mga Muslim. Ngayon, saan man sila naninirahan, may tunay na posibilidad ng pagsalakay.

Dapat manatiling mapagmatyag ang mga Muslim sa Kanluran. Gaya ng kasabihang tanyag: “Una nilang sinusunog ang aklat, saka nila sinusunog ang tao.”

 

3495817

captcha