
Ito ay malinaw na makikita sa mga akda ng tanyag na Rusong makata na si Alexander Pushkin, sino ayon sa ulat ng website na Rasif, ay naimpluwensiyahan ng Silangang Arabo sa aspetong pangkultura, pansining, at pang-espirituwal.
Ang pinakamahuhusay na mga Akda ni Pushkin ay nalikha batay sa Quran
Sa kanyang aklat na pinamagatang “Mga Impluwensiya ng Arabik at Islam sa Panitikang Ruso,” binigyang-diin ni Makarem Al-Ghamri na si Alexander Pushkin (1799–1873 AD) ay nangunguna sa Rusong mga makata sino humugot ng inspirasyon mula sa Quran at sa buhay ng Banal na Propeta (SKNK).
Ang kanyang tulang pinamagatang “Isang Sulyap sa Quran,” na isinulat noong 1824, ay may mahalagang lugar sa panitikang Ruso na hinango mula sa espirituwal at Islamikong pamana at sa buhay ng Propeta (SKNK). Ang mga tulang ito ay malinaw na patunay ng kakayahan ng mga pagpapahalagang Quraniko na lampasan ang hangganan ng panahon at espasyo at tumagos sa mga kaluluwa ng mga taong hindi naniniwala sa kadakilaan ng Quran.
Espirituwal na Impluwensiya ng Banal na Quran kay Pushkin
Ipinapakita ng mga tulang ito ang mahalagang papel na ginampanan ng Quran sa espirituwal na pag-unlad ni Pushkin. Sinipi ni Al-Ghamri ang Rusong kritiko na si Chernyaev sa kanyang aklat na “Mensahero si Pushkin sa Kanyang Gawa: Isang Sulyap ng Quran,” na nagsabing: “Ang Quran ang nagbigay ng unang sigla sa relihiyosong paggising ni Pushkin at nagkaroon ng malaking kahalagahan sa kanyang panloob na buhay. Bukod dito, ang Quran ang unang aklat panrelihiyon na umantig sa imahinasyon ng makatang si Pushkin at umakay sa kanya patungo sa relihiyong Islam.”
Ang “Ang Isang Sulyap ng Quran” ay binubuo ng siyam na walang pamagat na mga oda na inayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng bilang. Ayon kay Al-Ghamri, sa unang oda ay humugot si Pushkin ng inspirasyon mula sa mga Surah na tumatalakay sa mga aspeto ng buhay ni Propeta Muhammad (SKNK), na labis na umakit sa Rusong makata.
Si Pushkin ay Naimpluwensiyahan ng Surah Ad-Duha
Nag-iiba-iba ang haba at sukat ng mga talata ng “Isang Sulyap ng Quran,” at tumutugma ang mga ito sa mga talatang Quraniko na pinaghanguan at pinagbatayan ni Pushkin ng kanyang mga tula. Ayon kay Ne’mat Abdul Aziz Taha sa kanyang artikulong “Ang Impluwensiya ng Islam sa Panitikang Ruso… Alexander Pushkin, Mikhail Lermontov, Leo Tolstoy and Ivan Bunin,” sinabi niya: “Sa bahagi ng unang oda, ginaya niya ang panunumpa ng Quran sa ilang mga talata, katulad ng ‘Panunumpa sa Bituin.’”
Binanggit ni Abdul Aziz Taha na si Pushkin ay naimpluwensiyahan ng Surah Ad-Duha, lalo na ng mga temang tumatalakay sa dalamhati ng Propeta nang pansamantalang huminto ang kapahayagan isang paghinto na walang kapantay sa haba.
Sa mga Talata 1 hanggang 3 ng Surah na ito, sinabi ng Allah na Makapangyarihan: “Sa umaga at sa gabi kapag ito’y bumabalot, hindi ka pinabayaan ng iyong Panginoon (O Muhammad), at hindi rin Niya ikaw kinamumuhian.”
Ipinapaliwanag ni Muhammad al-Sabuni sa kanyang aklat na “Safwat al-Tafsir” ang tatlong talatang ito alinsunod sa unang mga tagapagpaliwanag, na kung saan nanunumpa ang Allah sa oras ng Dhuha-ang simula ng araw kung kailan sumisikat ang araw-at sa gabi kapag lumalalim ang dilim at sumasaklaw sa lahat.
Ayon sa paliwanag ni Ibn Kathir, ito ay isang panunumpa ng Allah sa umaga at sa liwanag na Kanyang inilagay dito, at sa gabi kapag ito’y naging tahimik at madilim, bilang patunay ng Kanyang kapangyarihan.
Ngunit ang pahayag na “Hindi ka pinabayaan ng iyong Panginoon, at hindi rin Niya ikaw kinamumuhian,” ay nangangahulugang, O Muhammad, hindi ka pinabayaan ng iyong Panginoon sapagkat ikaw ay Kanyang pinili at minamahal.
Ito ay tugon sa mga politeista nang sabihin nila, “Pinabayaan na siya ng kanyang Panginoon.” Ayon kay Taha, inuulit ni Pushkin ang konseptong ito sa bahagi ng unang oda.

Sa pagtatapos ng oda, tinutukoy ni Pushkin ang mga Talata 6–9 ng Surah Ad-Duha. Malinaw na ipinapakita ng mga talatang ito ang impluwensiya ng Quran kay Pushkin at ang kanyang pagiging pagkilala sa mga kuwento nito.
Ipinagpatuloy ni Pushkin ang kanyang mga pag-aangkop mula sa Banal na Quran at sa gitna ng tula ay tinukoy niya ang kuwento ng paglikas ng Propeta (SKNK) mula Makka patungong Madina, na alin binanggit sa Talata 40 ng Surah At-Tawbah.
Muling Paglikha ng mga Pagpapahalagang Quraniko sa Tula
Ayon kay Al-Ghamri sa nabanggit na aklat, ang “Isang Sulyap ng Quran” ay pagkakahalo ng mga tematik at panloob na tula. Ang akdang ito ay hindi tuwirang panggagaya sa literal na kahulugan ng salita.
Ang mga pagpapahalagang Quraniko na tematikong lumilitaw sa mga tulang ito ay naipapahayag sa pamamagitan ng panloob na aspeto ng artista-sa kanyang natatanging lagdang pansining, kakaibang estilo ng pagtula, at mga pananaw at pamamaraan sa sining.
Sa madaling salita, kapag binabanggit ni Pushkin ang “moral na halaga” ng Quran, hinuhugot niya ito mula sa teksto ng Quran upang muling buhayin ito sa pamamagitan ng kanyang panloob na sarili at ng kanyang mga elementong pansining.
Sa kanyang mga tula, hindi mahigpit na sinusunod ni Pushkin ang pagkakasunod-sunod ng “mga konseptong moral” na matatagpuan sa Quran.
Sa halip, maaari niyang pagsamahin ang mga kahulugan ng iba’t ibang mga Surah sa iisang oda, katulad ng ginawa niya sa unang oda.
Ayon kay Al-Ghamri, ang mga kahulugang ito ay pagsasanib ng mga larawang patula at metaporikal na kahulugan na nais ipabatid ng makata sa mga mambabasa.
Kung hindi naging kilala ni Pushkin ang mga salin ng Banal na Quran sa wikang Pranses at Ruso at sa mga paliwanag nito, hindi niya magagaya ang mga talatang ito sa kanyang mga tula, sapagkat ang mga aral at mga kuwento ng mga propeta sa Quran ang nakaimpluwensiya sa pilosopikal at doktrinal na kaisipan ni Pushkin.
Ito ay binigyang-diin ni Nazim Majid Al-Dirawi sa kanyang artikulong “Pagsasalin ng mga Kahulugan ng Quran sa Wikang Ruso at ang Impluwensiya Nito kay Pushkin at sa Kanyang mga Kontemporaryo.”
Ayon kay Al-Dirawi, masusing pinag-aralan ni Pushkin ang dalawang mga salin ng Banal na Quran-isa sa Ruso na isinalin ni Mikhail Virovkin at isa sa Pranses na isinalin ni André de Royer.
Maaaring kilala din siya sa mga tula ng Aleman na manunulat na si Johann Goethe sa kanyang “Divan-e-Sharqi.”
Nalampasan ng akdang ito ang Rusong mga manunulat sa dami ng sipi mula sa Banal na Quran, Arabong mga oda, mga tula ng Muslim at Sufi, gayundin ang mga kuwento ng “Isang Libo’t Isang mga Gabi.”
Mula sa salin ni Virovkin, sinipi ni Pushkin ang mga talata mula sa mga Surah na Al-Baqarah, Al-Kahf, Maryam, Taha, Hajj, Al-Nur, Al-Ahzab, Muhammad, Fath, Al-Qiyamat, At-Takwir, Fajr, Balad, at Al-Duha.
At humiram din siya ng mga kuwento, makahulugang mga pangaral, at mga aral ng karunungan.
Binanggit ni Malik Suqour sa kanyang pag-aaral na “Pushkin at ang Quran” na unang nabasa ni Pushkin ang Quran habang siya ay nasa pagkatapon sa nayon ng Mikhailovsky.
Hindi lamang sa pagbabasa tumigil si Pushkin, sapagkat nang siya ay nasa timog ng Russia at sa kanyang paglalakbay patungong rehiyon ng Erzurum, nakinig din siya sa pagbigkas ng Quran.
Binasa rin ni Pushkin ang talambuhay ni Propeta Muhammad (SKNK) at sinikap niyang matutuhan ang lahat tungkol sa kanya, at labis niyang hinangaan ang kanyang pagkatao.
Habang naninirahan siya sa lungsod ng Chisinau, mayroon siyang kaibigang Griyego sino bihasa sa Italyano at Pranses at mahusay magsalita ng Arabik.
Ayon kay Suqour, natagpuan sa mga sulat-kamay ni Pushkin ang mga titik ng Arabik at ang kanilang mga paliwanag, na alin nagpapatunay na sinikap ni Pushkin na matutunan ang wikang Arabik mula sa kanyang kaibigan.