IQNA

Pagdiriwang sa Kampo ng Taong-takas sa Gaza Nagbigay-Parangal sa 500 na mga Tagapagsaulo ng Quran

16:54 - December 28, 2025
News ID: 3009237
IQNA – Isinagawa ang isang pagdiriwang sa Kampo ng Taong-takas sa Al-Shati sa kanlurang Gaza upang ipagdiwang ang 500 na lalaki at babaeng mga tagapagssaulo ng Quran.

A ceremony was held in Al-Shati Refugee Camp in western Gaza to celebrate 500 male and female Quran memorizers.

Ito ay inorganisa sa ilalim ng salawikain “Uunlad ang Gaza sa pamamagitan ng mga Tagapagsaulo ng Quran,” ayon sa ulat ahensiya ng balita ng Al-Boslah.

Ginawa ang kaganapan sa mga lansangan ng Kampo ng Taong-takas ng Al-Shati na may matinding kasiglahan at kagalakan. Dahil ito ay idinaos matapos ang dalawang taong digmaan ng pagpatay ng lahi ng rehimeng Zionista sa Gaza Strip, nagbalik ito ng pakiramdam ng saya, pag-asa, at katatagan sa mga lansangan ng kampo.

Ito ay sinuportahan ng Ayad Al-Khair Foundation at ng Kuwaiti Charity Foundation Aaliyah. Ang mga kalahok ay naglakad sa mga daan ng kampo nang maayos ang mga hanay, nagbibigkas ng Takbir at Tahlil, may hawak na mga kopya ng Quran, watawat at mga placard ng Palestine, at ipinapakita ang mensahe ng paglaban.

Sinamahan ng mga naninirahan ng kampo ang mga tagpong ito sa gilid ng ruta sa pamamagitan ng paghihikayat at mga pagdarasal; isang kapaligirang nagbago sa mga lansangang winasak ng digmaan at ginawang lugar ng kapayapaan at pagkakaisa sa loob ng ilang mga oras.

Sinabi ni Ibtisam Abu Huwaydi, isang tagapagsaulo ng Quran sino nakatapos sa pagsasaulo ng buong Quran sa panahon ng digmaan, “Hindi madali ang ipagpatuloy ang pagsasaulo ng Quran sa ilalim ng pambobomba, ngunit ang Quran ang naging pinagmumulan ng lakas at katatagan ko sa pinakamahirap na mga sandali.”

Binigyang-diin niya na ang pananatiling tapat sa Quran ay isang paraan upang mapanatili ang pag-asa. Ipinahayag din ni Abu Huwaydi ang pag-asang magagawang isaulo ng kanyang apat na mga anak ang Aklat ng Panginoon at nanawagan sa mga kabataan ng Gaza na manatiling tapat sa Quran at pagnilayan ito, lalo na sa kasalukuyang mahihirap na mga kalagayan.

Binanggit din ni Mushira Abu Watafah, isang magulang ng isa sa mga tagapagsaulo, ang patuloy na pagdalo ng mga bata sa mga lupon ng pagsasaulo ng Quran sa kabila ng kahirapan at pagkubkob, na nagsabing, “Itinaas ng pagdiriwang ito ang morale ng mga tao at pinatibay ang kanilang pananampalataya sa papel ng Quran sa personal at panlipunang buhay.”

Sa huli, ginawaran ang lalaki at babaeng mga tagapagsaulo ng mga plaka ng pagpapahalaga at simbolikong mga regalo. Binigyang-diin ng mga tagapag-ayos na ang inisyatibang ito ay bahagi ng pagsisikap ng mamamayan na mapanatili ang relihiyosong pagpakilanlan at mga pagpapahalagang kagandahang-asal sa mahihirap na mga kalagayan ng Gaza.

Ceremony in Gaza Refugee Camp Honors 500 Quran Memorizers  

Ceremony in Gaza Refugee Camp Honors 500 Quran Memorizers  

Noong Oktubre 8, 2023, sinimulan ng rehimeng Israel, sa suporta ng Estados Unidos, ang isang pagpatay ng lahi sa Gaza Strip na tumagal ng dalawang taon at nagresulta sa pagkabayani ng humigit-kumulang 71,000 na mga Palestino, pagkasugat ng mahigit 171,000 mga katao, at malawakang pagkawasak na umabot sa 90 porsiyento ng imprastrakturang sibilyan.

Ayon sa mga estatistika, sa loob ng dalawang taon ng digmaan, mahigit 835 mga moske ang ganap na nawasak at mahigit 180 mga moske ang bahagyang nawasak.

 

3495861

captcha