IQNA

“Kalagayaan ng Pagbigkas” ng Ehipto ay Pumasok sa Pangwakas na Yugto

17:04 - December 29, 2025
News ID: 3009239
IQNA – Ipinalabas ngayong linggo ang ika-13 na episodyo ng Ehiptiyanong pagpalabas ng talento na “Dawlet El Telawa (Kalagayaan ng Pagbigkas)”, kasabay ng pagsisimula ng mga paligsahan sa pangwakas na yugto.

Participants in the Egyptian talent show “Dawlet El Telawa (State of Recitation)”

Sa yugtong ito, 16 na mga kalahok ang nakipaglabanan sa 4 na mga pangkat ng apat, na kung saan ang ilan ay nagsasagawa ng magkasanib na pagbigkas para sa paligsahan, at sa huli ay aalis ang isa sa paligsahan. Tampok din sa episodyo na ito ang pagkikita ng mga kalahok ng Dawlet El Telawa sa Kagawaram ng Awqaf ng Ehipto.

Ipinalabas ang palatuntunan noong Biyernes, alas-9 ng gabi sa panloob na oras, sa mga himpilan na Al-Hayat, CBS at Al-Nas, kung saan apat na bihasang mga tagapagbigkas na may natatanging tinig ang nakipaglaban, at nahirapan ang komite ng paghuhukum na piliin ang pinakamahusay.

Sa wakas, natanggal si Muhammad Abu al-Alaa sa yugtong ng paligsahang ito. Sumulat siya sa Facebook pagkatapos ng paligsahan: “Sa Ngalan ng Panginoon, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain. Ngayon ay natapos na ang aking pagsali sa Katayuan ng Pagbigkas; ngunit hindi ito nangangahulugang wakas ng gawain, kundi pagtatapos ng isang karanasan kung saan nasaksihan ko kung paano pinangangalagaan ang Quran kapag inaalagaan ito ng mga tao at kung paano ginalang ang tagapagbigkas kapag inilalagay siya sa kanyang tamang katayuan.”

Tungkol sa kanyang pagkikita sa ministro ng Awqaf ng Ehipto, sinabi niya, “Sa pagkikitang ito, bago ko nakita ang isang opisyal, nakita ko ang isang tao at isang ama na nauunawaan na ang tagapagbigkas ng Quran ay nangangailangan ng suporta, hindi paligsahan, at ang mga kaluluwa ay hindi nagkakaroon ng kadalisayan maliban kung pinapangalagaan ito ng habag at awa.”

Ipinahayag ng Ehiptiyanong qari ang kanyang pasasalamat sa komite ng paghuhukum, sa Kagawaran ng Awqaf, at sa Kompanya ng AlMutahida, na nagsabi: “Umalis ako sa Kalagayaan ng Pagbigkas habang tiyak ako na ang Ehiptiyanong pagbigkas ay hindi lamang paaralan ng boses. Sa halip, ito ay isang pamana ng pag-uunawa at etiketa, at isang pagbigkas batay sa kaalaman, pinalamutian ng katapatan at katotohanan, at nagtatapos sa kababaang-loob.”

Sa episodyo na ito, ipinakilala rin ni Ayyah Abdel Rahman, punong-abala ng Kalagayaan ng pagbigkas ng palatuntunan, ang Ehiptiyano Sentro ng Dar-ol-Quran, na alin matatagpuan sa bagong administratibong kabisera ng bansa, at inilalarawan ito bilang isang natatanging gusaling pangrelihiyon at pangkultura na nagpapakita ng kadakilaan ng Aklat ng Panginoon.

“Ang Quran ay inukit letra-letra sa loob ng Dar-ol-Quran, at ang sentrong ito ay may 30 mga bulwagan, bawat isa ay naglalahad ng bahagi ng salita ng Panginoon at kasaysayan ng pagbigkas ng Quran sa iba’t ibang mga panahon.” Dagdag pa ni Abdel Rahman, “Dito rin matatagpuan ang espesyal na museo ng matataas na Ehiptiyanong mga mambabasa, na alin nagbibigay sa mga bisita ng pagkakataong marinig ang tinig ng mga tagapagbigkas na parang sila ay buhay at naroroon.”

Sinabi niya, “Isa sa pinakamahalagang mga gawa sa Dar-ol-Quran ay isang malaking Sulat-kamay ng Ottoman na may iskrip na Kupiko, na may bigat na 80 na mga kilo at itinuturing na isang bihirang piraso na sumasalamin sa kagandahan ng Islamikong sining at sa katumpakan at ganda ng Arabikong kaligrapya.” Ayon sa ulat, tinanggap ni Osama Al-Azhari, ministro ng Awqaf ng Ehipto, ang mga kalahok ng palatuntunan ng Kalagayaan ng pagbigkas.

Ang pagpupulong ay ginanap sa Matataas na Konseho para sa Islamikong mga Kapakanan sa Ehipto, at pinanood ng mga kalahok kasama ang ministro ng Awqaf ang bahagi ng palatuntunang ito sa mga iskrin ng United Media Services Company.

Sinabi ni Al-Azhari sa pagpupulong na ito na mahirap pumili sa mga bituin ng Katayuan ng Pagbigkas, ngunit hindi maiiwasan dahil ito ang kalikasan ng paligsahan. Dagdag pa niya, “Lahat sila ay parang aking mga anak at ikinagalak kong makilala sila, dapat nating suportahan ang mga pangkat na ito.”

Ang Kalagayaan ng Pagbigkas ng palatuntunan ay ginagawa sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Awqaf at United Media Services Company sa Ehipto, na may layuning tuklasin ang mga talento at natatanging mga tagapagbigkas mula sa iba’t ibang mga lalawigan ng bansa.

Ipinapalabas ang programang ito sa mga tsanel ng satelayt na Al-Hayat, CBC, Al-Nas, Misr Al-Quran AlKarim, at sa plataporm na “tingnan ninyo”, at ang oras ng pagpapalabas ay alas-9 ng gabi tuwing mga Biyernes at mga Sabado bawat linggo.

Nag-aalok ito ng kabuuang premyong halaga na LE 3.5 milyon. Ang mga mananalo sa unang puwesto sa parehong mga kategorya ng pagbigkas at tono ay makatatanggap ng tig-isang milyong libra, at bukod dito, maiirerekord ang buong Quran sa kanilang tinig at ipapalabas sa tsanel na “Misr Quran Karim”. Bibigyan din sila ng karangalan na manguna sa Taraweeh na mga pagdarasal sa Moske ng Hussein sa darating na buwan ng Ramadan.

Ang palatuntunan ay may mataas na antas ng lupon ng paghuhukum na binubuo ng kilalang mga tao na panrelihiyon at pang-iskolar mula sa Islamikong mundo: Hassan Abdel-Nabi, Taha Abdel-Wahab, Mostafa Hosny, Taha Al-Nuamani.

Kasama rin dito ang ilang espesyal na mga panauhin: Osama al-Azhari, Nazir Mohamed Ayyad, Ali Gomaa, Ahmed Nuaina, Abdel-Fattah al-Tarouti, Jaber al-Baghdadi, ang Britanya na iskolar na si Muhammad Ayoub Asif, at si Omar al-Qazabri mula sa Morokko.

 

3495873

captcha