IQNA

Ang Quranikong Kampanyang “Pamumuhay Kasama ang mga Talata” ay Isinasagawa na sa Lebanon

13:39 - January 21, 2026
News ID: 3009285
IQNA – Sa paglalantad ng Arabik na karatula ng Quranikong kampanyang “Pamumuhay Kasama ang mga Talata,” opisyal na nagsimula ang kaganapan sa Lebanon.

Ayon sa tanggapang ng ugnayang publiko ng Islamic Development Organization, inilantad ang karatula sa isang seremonyang dinaluhan ng Kalihim Heneral ng Hezbollah na si Sheikh Naim Qassem. Dumalo rin ang mga tagapagbigkas ng Quran, mga nagsasaulo nito, at mga aktibista sa Lebanon.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Sheikh Qassem ang kahalagahan ng pagbigkas, pagninilay, at pagsasaulo ng Banal na Quran, at inilarawan ang paggamit ng mga konsepto ng Quran bilang isa sa pinakamahalagang paraan ng pag-unawa at aktibong pakikilahok sa kasalukuyang larangan ng pakikibaka ng mundong Islamiko laban sa pandaigdigang pagmamataas.

Nagsalita rin sa seremonya si Hojat-ol-Islam Mohammad Haj Abolqasem at ipinaliwanag kung paano nagsimula ang kampanyang “Pamumuhay Kasama sa mga Talata” sa Iran.

Sinabi niya na ito ay binuo upang mas gumanap ng mahalagang papel ang mga konsepto at lohika ng Banal na Quran sa sistemang nagbibigay-malay ng mga tao.

Idinagdag ng Iranianong iskolar ng seminaryo at unibersidad na mula nang magsimula ang kampanyang ito, sinikap ng mga grupong panlipunan na isulong ang layuning ito sa pamamagitan ng kanilang mga produksiyong Quraniko, nilalaman, sining, at midya, at halos 13 milyong mga Iraniano ang aktibong lumahok sa kampanya noong banal na buwan ng Ramadan noong nakaraang taon—isang patunay ng matibay na ugnayan ng sambayanang Iraniano sa mga konsepto ng Banal na Quran.

Tinapos niya ang kanyang pahayag sa pagsasabing ang pagsasagawa ng kampanya sa Lebanon, na naging posible sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng Hezbollah, ay itinuturing na unang hakbang ng kilusang Quranikong ito sa pandaigdigang larangan.

“Umaasa kami na ang biyaya ng mga konsepto ng Quran ay magiging gabay na liwanag para sa lahat ng mga mananampalataya sa landas ng paglaban at pakikibaka laban sa pagmamataas.” 

captcha