Ayon sa menafn, layunin ng MoU na pag-isahin at iayon ang mga patakaran at mga regulasyon kaugnay ng dokumentasyon at pag-aarkibo ng makasaysayang mga manuskrito, at paunlarin ang kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon at pagpapalitan ng mga karanasan.
Nilagdaan ang MoU nina Khalifa Musabih Al-Tunaiji, pangulo ng Kapulungan ng Quran sa Sharjah, at Abdulaziz Al-Musallam, pangulo ng Sentrong ng Pamana sa Sharjah. Dumalo sa seremonya ng paglagda ang ilang mga opisyal at mga tagapamahala ng administratibong mga departamento ng dalawang mga sentro.
Binigyang-diin ng pinuno ng Kapulungan ng Quran sa Sharjah na ang kooperasyong ito ay naaayon sa pananaw ng Kapulungan sa paggamit ng bagong mga teknolohiya at artipisyal na katalinuhan (artificial intelligence) upang maglingkod sa Quran at sa pagpapanumbalik at pag-aarkibo ng mga manuskritong nagsisilbing buhay na patunay ng kasaysayan ng pagsulat ng Quran at ng pag-unlad ng mga agham Quraniko.
Idinagdag niya na ang pakikipagtulungan sa Sentro ng Pamana sa Sharjah, na rehistrado sa UNESCO, ay makatutulong sa pag-aarkibo ng mga manuskrito at bihirang makasaysayang mga artepakto, sa pagprotekta sa mga ito laban sa pinsala at pagkawala, at sa pagpapadali na makamtan ng mga mananaliksik at interesadong mga indibidwal sa naturang mga artepakto.
Sinabi ni Al-Tunaiji na ang MoU na ito ay gaganap ng mahalagang papel sa pagpapakilala ng Kapulungan ng Quran sa Sharjah sa pandaigdigang mga pagtitipon na nilalahukan ng Sentrong Pamana sa Sharjah.
Itinatag ang Kapulungan ng Quran sa Sharjah noong Enero 2021 ng pinuno ng Sharjah. Binubuo ito ng pitong siyentipiko at makasaysayang mga museo at nakatuon sa mga gawain at programang may kaugnayan sa Banal na Quran, pati na sa mga pagtitipon ng mga tagahanga at mga aktibista sa iba’t ibang mga larangan ng Quran. Mayroon itong mga sangay sa 140 na mga bansa at tumatanggap ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa kasalukuyan, naglalaman ito ng koleksiyon ng makasaysayang mga Quran, mga pergamino, at iba pang bihirang mga gawaing Quraniko, na ang ilan ay may edad na 1,300 na mga taon at sumasaklaw sa iba’t ibang mga panahon mula sa ikalawang siglo AH hanggang sa makabagong panahon.
Ang Sentro ng Pamana sa Sharjah ay isa ring institusyong pangkultura at pang-agham at isang pandaigdigang sentro sa ilalim ng pangangasiwa ng UNESCO para sa pagpapaunlad ng kakayahan sa larangan ng pamanang pangkultura.
https://iqna.ir/en/news/3496111