IQNA

Nakumpleto ang Pagpapaayos ng Makasaysayang Moske sa Kosovo

23:29 - January 23, 2026
News ID: 3009289
IQNA – Nakumpleto na ang pagsasaayos ng isang makasaysayang moske sa bayan ng Kamenica, Kosovo, na nagmula pa noong ika-19 na siglo.

Ayon sa website na Muslimsaroundtheworld, ang Moske ng Mešina ay isa sa pinakabantog na patunay ng kasaysayan at arkitekturang Islamiko sa Kosovo. Itinayo noong 1886, ang moske ay may pambihirang halaga sa arkitekturang Islamiko ng rehiyon dahil sa kakaiba nitong minarete.

Nagmula ang natatanging katangian ng Moske ng Mešina sa kakaiba nitong minarete na yari sa kahoy, na hindi lamang isang mahalagang likhang-sining kundi isa ring bihira at pamanaing simbolo na nagbibigay-diin sa lalim ng pangkultura at panrelihiyong pagkakilanlan ng pamayanan ng mga Muslim at nagbibigay sa lugar ng makasaysayang kalagayan na sumasalamin sa sinaunang mga paraan ng pagtatayo sa Kosovo.

Isinagawa ang mga gawaing pagpapanumbalik alinsunod sa mga pamantayang propesyonal, na nakatuon sa pagpapanatili ng pagiging tunay ng moske at ng orihinal nitong mga katangian.

Tinitiyak nito na ang makasaysayan at arkitekturang halaga nito ay mapapanatili nang hindi nagbabago, at naibabalik ang pangkultura at panrelihiyong tungkulin ng lugar bilang bahagi ng buhay na alaala ng lokal na pamayanan. Ang muling pagpapatayo ng moske ay pinondohan ng Kagawaran ng Kultura, Kabataan at Palakasan.

Inihayag ng kaukulang ministro na si Khairullah Chiku ang matagumpay na pagkakumpleto ng proyekto, at binigyang-diin na ang pangangalaga sa pamana ng Islam ay naging bahagi na ngayon ng isang institusyonal na pangako na naglalayong panatilihin ang mga pamanang kultura at ibalik ang mga ito upang mapagsilbihan ang mamamayan at ang susunod na mga henerasyon.

Ipinapakita ng pagpapanumbalik ng moske na ang pangangalaga sa pamana ay hindi lamang tungkol sa pagsasaayos ng mga bato at mga gusali, kundi tungkol din sa pagpapanatili ng isang buo at pangmatagalang pagkakakilalan at alaala.

Ang pagpapanumbalik ng mga monumento ng pamayanan ng mga Muslim sa Kosovo ay nagpapalakas sa presensiya ng mga monumentong Islamiko sa larangan ng sibilisasyon at nagbibigay sa susunod na mga salinlahi ng pagkakataong makita ang kanilang kasaysayan bilang isang buhay na larawan, at hindi lamang bilang mga labi ng isang nakalimutang nakaraan.

https://iqna.ir/en/news/3496122 

captcha