
Ito ay ipinahayag sa ika-anim na sesyon ng Board of Trustees ng IUMS na ginanap sa Istanbul noong Enero 18–19, ayon sa ulat ng Arabi 21.
Tinalakay ng Lupon ng mga Tagapangasiwa ang ilang mahahalagang mga isyu na may kaugnayan sa mundong Islamiko at sa kasalukuyang mga kaganapang pandaigdig.
Pinamunuan ang pagpupulong ng Kalihim-Heneral ng IUMS na si Ali Al-Qaradaghi. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Al-Qaradaghi ang papel ng unyon, ng mga iskolar, at ng mga mangangaral sa pagsulong ng mga pamayanang Muslim at sa pangangalaga ng mga pagpapahalagang panrelihiyon at pantao, sa gitna ng mga hamon katulad ng pag-atake sa banal na mga lugar, pagsupil sa likás na pagkatao, at paglaganap ng ekstremismo, ateismo, at mga paglabag sa pandaigdigang mga kasunduan.
Tungkol sa rehimeng Zionista, nanawagan ang IUMS sa mga bansang Islamiko at sa Samahang Arabo na magpatibay ng isang nagkakaisang paninindigan bilang suporta sa Palestine sa mga pagtitipon na pandaigdigan.
Pinuri ng unyon ang mga panrehiyon at pandaigdigang mga pagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa at katatagan ng Yaman, suportahan ang lehitimong pamahalaan sa Sudan, at protektahan ang inuusig na mga minoryang Muslim sa iba’t ibang mga rehiyon.
Kinondena ng IUMS ang pagsalakay at mga panghihimasok militar sa panloob na usapin ng mga bansa.
Habang kinokondena ang pag-uudyok ng Islamopobiya laban sa katamtamang mga institusyong Islamiko sa Kanluran, binigyang-diin ng Unyon ang pangangailangan para sa isang kinikilalang pandaigdigang legal na kahulugan ng terorismo ng estado at indibidwal, at ang pagbibigay-pansin sa angkop na kurikulum ng edukasyong Islamiko upang maprotektahan ang pagkakakilalan, kultura, at mga pagpapahalagang Islamiko.
https://iqna.ir/en/news/3496127