IQNA

Kumperensiya sa Morocco upang Talakayin ang ‘Pagpapakahulugan ng Quran at Artipisyal na Katalinuhan’

14:19 - January 25, 2026
News ID: 3009293
IQNA – Gaganapin sa Morocco ang ikalawang edisyon ng pagpupulong “Pagpapakahulugan ng Quran at Artipisyal na Katalinuhan.”

Ang lungsod ng Meknes ang magiging punong-abala ng ikalawang edisyon ng pandaigdigang siyentipikong kaganapan na inorganisa ng Ibn Al-Jazari Sentro para sa mga Pag-aaral at Pananaliksik, katuwang ang ilang pambansa at pandaigdigang mga organisasyong siyentipiko, akademiko, at pang-sibil na lipunan, ayon sa ulat ng ammonnews.

Pinamagatang “Pagpapakahulugan ng Quran at Artipisyal na Katalinuhan: Tungo sa Isang Metodolohikal na Pananaw at Gampaning Patnubay,” gaganapin ito sa Hulyo 18 at 19, 2026.

Ang pagtitipong siyentipikong ito ay nakapaloob sa isang bagong balangkas ng pag-iisip na kinikilala ang pagka-sentro na papel ng Banal na Quran bilang pangunahing pinagmumulan ng patnubay at batas para sa pamayanang Muslim, habang sabay na may malay na nakikipag-ugnayan sa mga pag-unlad sa panahon ng artipisyal na katalinuhan.

Layunin ng pagpupulong na tuklasin ang potensiyal ng makabagong digital na mga teknolohiya sa paglilingkod sa pagpapakahulugan ng Quran sa loob ng isang siyentipiko at etikal na balangkas na pinangangalagaan ang kabanalan ng tekstong Quraniko at itinataguyod ang pangunahing mga prinsipyo at mga layunin nito.

Nilalayon ng pagpupulong sa Meknes na bumuo ng isang wastong metodolohikal na pananaw para sa tinatawag na “smart na pagpapakahulugan,” na nakabatay sa pagsasanib ng pamana ng tradisyunal na pagpapakahulugan at ng artipisyal na katalihunan.

Bukod sa paglikha ng isang pandaigdigang himpilan ng pananaliksik na mag-uugnay sa mga unibersidad at espesyalisadong mga sentrong siyentipiko, mga layunin din ng pananaw na ito na bumuo ng isang pandaigdigang karta para sa etikal ng artipisyal na katalinuhan sa mga pag-aaral ng Quraniko.

Kasama sa palatuntunang siyentipiko ang ilang mga paksa, na ang pinakamahalaga ay ang teoretikal na mga pundasyon ng smart na pagpapakahulugan, pagproseso ng natural na wika ng tekstong Quraniko, pag-aaral sa estruktura ng mga plataporma ng smart na pagpapakahulugan, gayundin ang legal at etikal na mga alituntunin sa paggamit ng mga algorithmo sa pagpapakahulugan ng mga tekstong panrelihiyon.

Ang ikalawang araw ng pagpupulong ay ilalaan sa praktikal na mga paggawaan na pangungunahan ng mga dalubhasa sa pagpapakahulugan at artipisyal na katalinuhan, para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral, mga mananaliksik, at interesadong mga indibidwal, na may layuning maisalin ang mga resulta ng pagpupulong mula sa antas na teoretikal tungo sa praktikal na mga aplikasyon.

Itinakda ng komiteng pag-aayos sa Pebrero 28, 2026 bilang huling araw ng pagsusumite ng mga buod ng pananaliksik sa pamamagitan ng email sa centrejazari19@gmail.com. Ang huling araw naman ng pagsusumite ng buong papel-pananaliksik ay Mayo 30, 2026.

Nilalayon ng akademikong kaganapang ito na tipunin ang mga propesor, mga mananaliksik, mga mag-aaral sa gradwadong antas, mga taga-programa, at mga institusyon at mga sentrong may interes sa mga pag-aaral ng Quran at teknolohiya.

captcha