IQNA

Ang ‘Ensiklopeda ng Quranikong mga  Pagbabasa’ bilang Isang Malaking Hakbang sa Digitalisasyon ng mga Agham na Quraniko

12:00 - January 26, 2026
News ID: 3009296
IQNA – Ang espesyalisadong ‘Ensiklopedia ng Quranikong mga Pagbabasa at mga Agham’ na inilunsad ng Qatar ay isang bagong akda na, habang pinananatili ang siyentipikong pagiging-mapanaligan, ay inilalahad ang pamana ng pagbigkas ng Quran sa isang digital na pormat para sa mga mananaliksik at mga mahilig sa mga agham ng Quran.

Inilunsad ng Kagawaran ng Awqaf at mga Gawaing Islamiko ng Qatar ang espesyalisadong ensiklopedya ng Quran sa website na Islamweb, isang mahalagang hakbang na nagpapalakas sa presensiya ng mga agham ng Quran sa digital na larangan.

Ipinahayag ng kagawaran sa isang pahayag na ang ensiklopedya ay

inihanda, tinipon at inedit ni Sheikh Ahmed Issa Al-Masrawi, ang dating Sheikh-ul-Qurra (punong qari) ng Ehipto. Bilang isang komprehensibong sangguniang siyentipiko, inilalahad ng ensiklopedya ang tamang agham ng pagbigkas ng Quran sa isang moderno at sistematikong paraan na tumutugon sa pangangailangan ng mga iskolar, mga mag-aaral, at mga mahilig ng Banal na Quran sa lahat ng mga antas.

Ang ensiklopedya ng Quran na ito ay nagmumula sa napatunayang katotohanang siyentipiko na ang mga pagbigkas ng Quran ay marami at mga mapanalignag mga paraan ng pagbigkas ng mga salita ng Quran na naipasa sa pamamagitan ng mapagkakatiwalaang salaysay mula sa Banal na Propeta (SKNK). Nagkakaisa ang mga iskolar sa kanilang mga prinsipyo at mga tuntunin at itinuturing ang lahat ng mapanaligang pagbigkas bilang wasto para sa pagbigkas, kagaya ng nakasaad sa pinagtibay na mga aklat tungkol sa mga pagbigkas ng Quran.

Pinagsasama ng akdang ito ang pagsasalaysay at kadalubhasaan sa isang balanseng balangkas, na naglalayong pasimplehin ang materyal na siyentipiko para sa mga nagsisimula nang hindi inaalisan ang mga dalubhasa ng lalim na siyentipikong kanilang kailangan. Kinokolekta, inuuri, at inilalahad din nito ang kaalamang ito sa isang organisadong digital na pormat na nagpapadali na makamtan.

Ang Ensiklopedia ng Quranikong mga Pagbabasa at mga Agham ay umaasa sa mahigpit na mga pamamaraang siyentipiko at nakinabang sa mga pagsisikap at kadalubhasaan ng mga iskolar ng pagbigkas, lalo na kay Sheikh Ahmad Isa Al-Masrawi, na ang malawak na karanasang siyentipiko ay nagpayaman sa nilalaman ng aklat at humubog sa lapit nitong siyentipiko.

Sa layunin magbigay ng mapagkakatiwalaang materyal na pinagsasama ang pagiging tunat at metodolohiya, masusing sinusuri ng aklat na ito ang agham ng mga pagbigkas ng Quran. Nagsisimula ang ensiklopedya sa pagpapakilala sa mga nanguna sa sampung opisyal na Qara’at (mga pagbigkas), ang kanilang mga tagapagsalaysay, at ang kanilang tuloy-tuloy na mga kadena ng pagdadala.

Pagkatapos nito, ipinaliliwanag nito ang mga prinsipyo at mga pagkakaiba, nililinaw ang mga paraan ng pagdadala, at tinatalakay ang mahahalagang paksang siyentipiko na may kaugnayan sa mga pagbigkas ng Quran, katulad ng mga pagkakaiba sa pagitan ng pitong mga paraan ng mga pagbigkas at ng mga opisyal na pagbigkas, gayundin ang pinakakaraniwang mga pagdadala sa mundong Islamiko.

Layunin din ng ensiklopedya na pasimplehin at gawing mas madaling maabot ang agham ng mga pagbigkas ng Quran, upang magawang makamtan ng mga mag-aaral at mga institusyong pang-edukasyon ang mapagkakatiwalaang nilalamang pang-iskolar sa iisang lugar.

Nakakatulong ito sa digital na pangangalaga at dokumentasyon ng pamana ng Islamikong Quran, habang ang pagsabay sa mabilis na pag-unlad ng digital na pagpapalaganap ng kaalaman.

Bukod dito, nagsisilbi itong bukás na platapormang pang-edukasyon na maaaring sumuporta sa akademikong mga pag-aaral, mga lupon ng pagsasaulo ng Quran, at espesyalisadong pananaliksik ng mga iskolar. Sinasaklaw ng ensiklopedya ang malawak na hanay ng mga paksa sa larangang ito, kabilang ang mga paraan ng pagbigkas, mga kadena ng pagsasalaysay, mga tuntunin ng Tajweed, at ang mga pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang mga pagbigkas.

Kasama rin dito ang mga paliwanag sa kinikilalang mga teksto tungkol sa pagbigkas ng Quran, pati na ang dokumentasyong pang-iskolar ng mga sanggunian at mga prinsipyong pinaghanguan ng disiplina sa loob ng maraming mga siglo.

Pinuri ang aklat na ito ng ilang mga awtoridad at ng mga taong may hilig sa mga agham ng Quran, at itinuturing nila ang akdang ito bilang isang mahalagang dagdag sa nilalamang Quraniko sa cyberspace at isang mahalagang ambag sa pagsulong ng siyentipikong pananaliksik sa larangan ng mga pagbigkas ng Quran.

https://iqna.ir/en/news/3496175

captcha