IQNA

Bidyo ng Paglapastangan sa Quran, Nauwi sa Pag-aresto sa 57-Taóng-Gulang na Lalaki sa Kuching, Malaysia

11:30 - January 28, 2026
News ID: 3009306
IQNA – Isang lalaki na inaakusahan ng paglapastangan sa Quran ang inaresto sa Kuching, ang kabisera at pinakamataong lungsod ng estado ng Sarawak sa Malaysia.

Isang kumalat na bido na nagpapakita ng mga piraso ng napunit na Quran na nakakalat sa kahabaan ng Jalan Tunku Abdul Rahman ang nagbunsod sa pag-aresto sa 57-taóng-gulang na lokal na lalaki noong Lunes.

Naganap ang insidente noong nakaraang Biyernes (Enero 23), at dalawang mga bidyo na may kaugnayan sa pagkakatuklas ang in-upload sa Facebook ng isang netizen, na alin nagdulot ng matinding pag-aalala ng publiko.

Nakumpirma rin ang insidente sa pamamagitan ng mga kuha mula sa closed-circuit television (CCTV) sa lugar. Ayon sa hepe ng pulisya ng Kuching ACP Alexson Naga Chabu, dinampot ang suspek sa isang kainan sa lugar ng Taman Green Hill matapos ang imbestigasyon sa insidente. “Ipinapakita ng paunang resulta na pinaniniwalaang may suliranin sa kalusugang pangkaisipan ang suspek. Ang ginawa ay hindi isinagawa na may layuning mag-udyok o lumikha ng tensyon na may kaugnayan sa lahi, relihiyon, o monarkiya,” sabi niya.

Sinabi ni Alexson na iniimbestigahan ang kaso sa ilalim ng Seksyon 295 ng Kodigo Penal hinggil sa paglapastangan sa isang banal na aklat na may layuning insultuhin ang relihiyon, isang paglabag na maaaring parusahan ng hanggang dalawang mga taong pagkakakulong, multa, o pareho.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang kaso sa ilalim ng Seksyon 233 ng Batas sa Komunikasyon at Multimedia 1998, na may katumbas na pinakamataas na multa na RM50,000, pagkakakulong ng hanggang isang taon, o pareho.

Ang mga kasapi ng publiko na may karagdagang impormasyon tungkol sa insidente ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa opisyal na nag-iimbestiga na si Insp. Logeswara Tharumalay @ Krishnan sa 018-291 4239 o sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. 

captcha