IQNA

Ang Daantaong-Taóng Quran sa Narathiwat ng Thailand ay Kabilang sa Pinakamahuhusay na Islamikong mga Artepakto sa Rehiyon

9:28 - May 10, 2026
News ID: 3009589
IQNA – Hindi pangkaraniwang eksibit ang makikita sa Museo ng Islamikong Pamanang Pangkultura at Sentro ng Pag-aaral ng Al-Quran.

A meticulously preserved Quran manuscript, housed in the Narathiwat province’s Museum of Islamic Cultural Heritage and Al-Quran Learning Centre, has been dated to over a millennium old.

Ang manuskripto ng Quran na pinaniniwalaang mahigit 1,000 na mga taong gulang at ipinapakita sa Museo ng Islamikong Pamanang Pangkultura at Sentro ng Pag-aaral ng Al-Quran sa Narathiwat, Thailand, ay hindi lamang nagtataglay ng napakalaking makasaysayang halaga para sa Islam, kundi sumasalamin din sa talino ng sinaunang mga kabihasnan sa paggamit ng likas na organikong materyales upang malikha ang banal na kasulatan.

May bigat na humigit-kumulang 50 na mga kilo, ang manuskripto ay ginawa noong panahon ng Abbasid gamit ang 346 na mga pahina mula sa balat ng hayop at tinta na gawa sa karbon mula sa likas na mga materyales, dahilan upang ito ay maging isa sa mga bihira at mahalagang sinaunang Islamikong mga artepakto na napreserba sa rehiyon.

Sinabi ng opisyal ng museo na si Nik Ilham Nik Yusup na ang pinakamatandang artepakto ng museo ay ginawa sa pamamagitan ng pambihirang husay ng pagkakayari gamit ang daan-daang pinrosesong mga balat ng hayop upang makalikha ng matitibay na pahina para sa pagsusulat ng Quran.

“Lahat ng pangunahing mga materyales ay espesyal na kinuha mula sa Hadhramaut sa Yaman.” sinabi niya kamakailan sa Bernama.

Bukod sa paggamit ng likas na mga materyales, ipinapakita rin ng manuskripto ang pagiging mapamaraan ng sinaunang mga pamayanang Muslim sa paggamit ng mga bagay mula sa kanilang kapaligiran.

Ganap na isinulat sa kamay gamit ang sinaunang sulat-Kufi, ang manuskripto ay gumamit ng organikong tintang karbon na ginawa mula sa likas na mga pinagkukunan.

“Gumagamit noon ang mga tao ng mga materyales na direktang nagmumula sa kalikasan. Ang pinaghalong kahoy at balat ng palma ng datiles ay sinusunog upang makagawa ng tinta bago ito ihalo sa iba pang organikong mga materyales mula sa kagubatan,” sabi niya.

Dahil ang manuskripto ay ganap na ginawa mula sa sinaunang organikong mga elemento, nangangailangan ito ng masusing paraan ng konserbasyon na walang halong makabagong mga kemikal at mga pantunaw upang mapanatili ito. Isinasagawa ang paglilinis at panumbalik nito kada anim na mga buwan.

“Napakaselan ng ibabaw ng mga pahinang ito na gawa sa balat ng hayop. Ang paggamit ng mga kemikal o mga likidong may alkohol ay maaaring magdulot ng pagbitak ng orihinal na tinta, habang maaari ring masira ang tekstura ng mga pahina.

“Iyan ang dahilan kung bakit organikong paraan lamang ng pagpreserba ang aming ginagamit upang mapanatili ang halaga at pagiging mapanaligan ng kayamanang ito,” sabi ni Nik Ilham.

Sinabi niya na nagsimula ang paglalakbay ng manuskripto mula Yaman patungo sa Arkipelago na Malayo noong panahon ng sinaunang mangangaral ng Islam na si Sheikh Jumadil Kubra.

Ayon sa kanya, ang manuskripto ay iningatan sa Indonesia nang mahigit 500 na mga taon bago ito dinala sa Narathiwat humigit-kumulang limang mga taon na ang nakalipas noong panahon ng pandemya ng Covid-19.

“Upang matiyak na patuloy na mapapangalagaan ang napakahalagang pamana ng kabihasnang Islamiko na ito, mahigpit na mga hakbang sa seguridad ang ipinatutupad at hindi pinahihintulutang hawakan ng mga bisita ang artepakto,” sabi niya.

 

3497388

captcha