IQNA

8:05 - March 12, 2017
News ID: 2092821
Kung ang mga aral ng Qur’an at ng Propeta Muhammad (ang kapayapaan ay mapasa kanya) ay isasagawa ng tapat, iba’t-ibang suliranin na hinaharap ng bansa ngayon, kabilang dito ang kahirapan, pagpintog, katiwalian at ang lubusang pananakot ay matatanggal, ito ay ayon kay Dr. Javed Mukarram na mula sa Aurangabad, Maharashtra, sa kanyang pagtatalumpati sa Pagpupulong sa Seerat sa kabisera ng Rajasthan.
“Ang pamimintog ay tumataas. Ang mga mahihirap ay lalong humihirap, at ang mga mayayaman ay lalong yumayaman. Ito ay dahil sa ekonomiyang naka base sa interes. Gusto natin ng isang sistemang walang interes para sa bansa kung saan lahat ay makakakuha ng sahod ayon sa kanyang trabaho at ang hustisya ay nakakamit ng lahat,” sinabi ni Dr. Mukarram sa pagpupulong na itinatag ng yunit ng Jaipur ng Jamaat-e-Islami Hind.

Sa kanyang pamumuno sa pagpupulong, sinabi ng pangulo ng estado ng Jamaat na si Inhinyero Mohd Salim na: “Ang katiwalian sa bansa ay sukdulan na. Sa ganitong sitwasyon ang bansa ay maisasalba lamang sa pamamagitan ng mga aral ng Propeta Muhammad (a.k.m.k.).
759170
Name:
Email:
* Comment: