IQNA

8:16 - March 14, 2017
News ID: 2093743
Mga pagsisikap na maipakilala ang katotohanan ng Islam sa Kanluran ay isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng mga iskolar at matatalinong Muslim sa mundo ngayon.
Sinabi rin ni Sheikh Ahmad Tamim, Mufti ng Ukraine na siyang kawani ng bansa sa ika-24 na Pandaigdigang Pagpupulong sa Islamikong Pagkakaisa, na “sa pamamagitan ng pangangatwiran, mapapatunayan ng mga iskolar at matatalinong Muslim sa mundo na ang Islam ay walang kinalaman sa terorismo at pagmamataas, at ang Islam at ang mga Muslim ay hindi dapat na paratangan ng terorismo.”

Binigyan diin niya na kinakailangang malaman ng buong mundo ang katotohanan na ang mga aral ng Qur’an ay nagtataguyod ng kapayapaan at pagtatanggol ng karapatang pang tao.

Tungkol sa kalagayan ng mga Muslim sa Europa, sinabi niya na kinakailangang ang mga Muslim sa Europa, bilang minorya, ay magkaisa upang malutas nila ang kanilang suliranin.
Idinagdag pa niya na itong ika-24 na Pandaigdigang Pagpupulong sa Islamikong Pagkakaisa ay isang positibong hakbang sa pagtataguyod ng pagkakaisa ng mga Muslim. “Ang mga ganitong klaseng pagpupulong ay nagbibigay ng pagkakataon na makilala ng mga matatalinong Muslim ang bawa’t isa, makibahagi ng kanilang mga karanasan at hanapan ng solusyon ang mga suliranin ng Islamikong ummah.”
Tinukoy rin ng Mufti ang mga aktibidades ng mga Muslim sa Ukraine, na may bilang na 2 milyon, at sinabing ang lahat ng mga ito ay nakakadama ng responsibilidad na ipagtanggol ang mga aral ng Qur’an.
Patapos na idinagdag ni Tamimi na isa sa mga istasyon ng telebisyon sa Ukraine ay nagpapalabas ng mga programa linggo-linggo tungkol sa Islam at ang bansa ay taon-taong nagtatatag ng mga pagpupulong tungkol sa relihiyon at pulitika na kung saan inaanyayahang dumalo ang mga kawani mula sa iba’t-ibang bansa tuwing Ramadan.

760082
Name:
Email:
* Comment: