IQNA

15:31 - March 24, 2017
News ID: 2097930
Ayon sa gobernador ng Probinsya ng Khorasan sa dakong timog, ang pinakamahalagang tungkulin ng mga kababaihan ay ang pagpapalakas ng mga prinsipyo ng pamilya.
Sa kanyang pagsalita sa mga kababaihan ng kawani ng probinsya, tinukoy ni Ghahraman Rashid ang mataas na katayuan ng mga kababaihan sa Islam at sinabing “ang pamilya ang pangunahing sanhi sa pagtatatag ng lipunan.”

“Sa kasamaang palad, hindi nirerespeto sa Kanluran ang katayuan ng mga kababaihan, at tinuturing lamang sila bilang mga gamit na walang pakundangan sa kanilang mga natatanging mga katangian at mga kakayahan.”

Idinagdag pa niya na binibigyan-diin ng Islam, bilang pinaka-perpekto sa mga Banal na relihiyon, ang kalayaan ng mga kababaihan, lalung-lalo na sa dako na pang-kultura at pang-lipunan, at wala sa alin mang mga prinsipyo nito ang tumututol sa pagdalo ng mga kababaihan sa lipunan.

Padagdag pang tinukoy ng gobernador ang mahalagang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa pagwagi ng Islamikong rebolusyon at pinuna rin niya na malaki ang impluwensya ng mga ito sa pagpapatuloy at katatagan ng rebolusyon noong panahon ng ipinataw ng digmaan o kaya sa mga iba’t ibang eleksyon at binigyan-diin niya na ang mga kababaihan ay mahusay sa pangasiwaan ng mga responsibilidad.
765628
Name:
Email:
* Comment: