IQNA

8:12 - May 11, 2017
News ID: 2120022
 Lalong nagiging malinaw na ang operasyon ay isang binalak na pataksil na pagpatay, na lumalabag sa napakaraming pinagsasaligang pamantayan ng pandaigdigang batas. Lumalabas na hindi nila tinangkang hulihin ang walang armas na biktima, na maaaring ginawa ng 80 na komando na sa katunayan ay walang nakaharap na paglaban- maliban, ayon sa kanila, sa kanyang asawa na sumugod patungo sa kanila.
Sa mga lipunang nagpapahayag ng pagrespeto sa batas, ang mga pinaghihinalaan ay hinuhuli at makatarungang nililitis. Binibigyang-diin ko na “pinaghihinalaan.” Noong Abril 2002, sinabi ni Robert Mueller, pinuno ng FBI, sa mga mamamahayag na pagkatapos ng pinakamasinsinang pagsisiyasat sa buong kasaysayan, walang ibang masabi ang FBI kundi “naniniwala” ito na ang plano ay pinag-isipan sa Afghanistan, bagaman isinakatuparan sa UAE at Alemanya. Ang kanilang pinaniwalaan noong Abril 2002, ay walang alinlangang hindi nila alam bago dumating ang panahong ito, noong idespatsa ng Washington ang mga alok ng Taliban (kung gaano ito ka seryoso, ay hindi na natin alam dahil agad-agad itong idinidespatsa) na pabalikin si Osama bin Laden kung sila ay mabibigyan ng ebidensya- na, agad naming nalaman, na wala ang Washington. Kaya, nagsisinungaling lamang si Obama nang sabihin niyang, sa kanyang pahayag mula sa White House, na “alam namin agad na ang pag-atake sa 9/11 ay isinagawa ng Al-Qaeda.”

Wala silang seryosong naibigay mula noon. Napakaraming salita tungkol sa “pagkukumpisal” ni Bin Laden, ngunit ito ay parang pagkukumpisal ko na ako’y nanalo sa maraton sa Boston. Ipinagyabang niya ang para sa kanya ay isang pambihirang nakamit.

Marami ring pag-uusap sa mga pahayagan uko sa galit ng Washington dahil hindi ibinigay ng Pakistan si Bin Laden, bagaman siguradong alam ng mga elemento ng militar at mga pwersang pangseguridad na siya ay nasa Abbottabad. Hindi gaanong nababanggit ang galit ng mga taga-Pakistan ukol sa paglusob sa kanilang teritoryo upang isagawa ang isang pataksil na pampulitikang pagpatay. Ang pagkainit laban sa Amerika ay napakataas na sa Pakistan, at ito ay inaasahang lalong tataas dahil dito. Napakadaling hulaan na ang desisyong pagtapon ng katawan sa dagat ay sadyang pumupukaw ng galit at duda sa karamihan sa mundo ng mga Muslim.

Maaari nating tanungin ang ating sarili kung papaano tayo maaapektohan kung ang mga komando ng Iraq ay lumapag sa bakuran ni George W. Bush, pataksil siyang pinatay, at ibinunton ang kanyang katawan sa Atlantiko. Hindi na pinagtatalunan na ang mga krimen ni Bush ay higit na mas marami kesa kay Bin Laden, at hindi siya “pinaghihinalaan” lamang ngunit hindi na pinagtatalunan na “taga-desisyon” na siyang nagbigay ng utos upang isagawa ang sukdulang pandaigdigang krimen na ang ipinagkaiba lamang sa ibang mga krimeng panggiyera ay ang pagkakaroon nito sa kanyang sarili ng naipong kasamaan ng kabuohan” (pagbanggit ng Nuremberg Tribunal) na siyang naging dahilan ng pagkakabitin ng mga Nazi: ang daang libong mga kamatayan, mga milyon-milyong tumatakas sa panganib, ang pagkawasak ng karamihan sa parte ng bansa, ang mapait na labanan ng mga ibat-ibang sekta ng relihyon na ngayon ay lumalaganap sa iba’t-ibang parte ng rehiyon.

Si Noam Chomsky ay Institute Professor emeritus ng Departamento ng Lingguwistika at Pilosopya ng MIT. Siya ay may-akda ng maraming mga libro at artikulo tungkols sa mga pandaigdigang kaganapan at mga usaping sosyal at pampulitika, at matagal nang kasali sa mga aktibistang kilusang. Ang ilan sa kanyang mga bagong aklat ay: Failed States, What We Say Goes (kasama si David Barsamian), Hegemony or Survival, the Essential Chomsky, at ang bagong edition ng Power and Terror, The Essential Chomsky (na inedit ni Anthony Arnove), ang koleksyon ng kanyang mga sinulat tungkol sa politika at sa lengguwahe mula 1950 hanggang sa kasalukuyan, Gaza in Crisis, kasama si Ilan Pappé, at Hopes and Prospects, na maaari ring magamit sa audiobook.




788867
Name:
Email:
* Comment: