IQNA

10:12 - May 14, 2017
News ID: 2121542
Nabigo ang OIC (Organization of Islamic Conference) na gampanan ang tungkulin nito hinggil sa mga pangyayari sa Bahrain, ayon sa isang komentarista sa Gitnang Silangan.
Binatikos ni Seyyed Mohammad Sadeq Al-Husseini ang mga Islamikong gobyerno sa kanilang kabiguang magpatawag ng isang biglaang pagpupulong ng OIC upang talakayin ang krisis sa Bahrain.

Sinabi rin niya na maraming mga iskolar na Sunni ang naging iresponsable sa pag-akusa sa mga mamamayan ng Bahrain ng kasektahan at tribalismo.

“Tayo ay nangangarap na sana ay nandoon tayo sa Karbala at natulungan si Imam Hussain (a.k.a.m.) ngunit ngayon ay tinalikuran natin ang mga mamamayan ng Bahrain. Sila ba ay hindi mga Muslim? Hindi ba natin sila mga kapitbahay? Kinakailangang tulungan natin sila at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Ang mga inaaping mamamayan ng Bahrain ay nasa mahalagang panahon ng pagpapasya sa kanilang kasaysayan. Sila ay may mga lehitimong pangangailangan na mismong mga kalaban nila, gaya ng Amerika at ng iba pang mga rehimen, ay nakikiayon dito.

Ayon kay Al-Husseini, “Ngayon, mayroon tayong kalagayan sa Bahrain na kung saan nagbabala ang Pinunong Ministro ng Turkey hinggil sa bagong Karbala sa Bahrain. Sa kabilang dako naman, ang mga Amerikano at ang kanilang mga alagad sa rehiyon ay nag-aalala na ang epekto ng kilusan ng mga mamamayan ng Bahrain ay lumaganap sa mga ibang bansa at ang mga mapang-aping rehimen ng rehiyon, lalung-lalo na ng Saudi Arabia, ay mauwi rin katulad ng sa Bahrain.

“Ito ang dahilan kung bakit nagpadala sila ng mga sundalo sa Bahrain upang matulungan ang pagsupil sa mga pag-aalsa ng mga tao.”
Hinikayat niya ang mga Muslim, ang mga Islamiko at Arabong bansa at lahat ng malayang-nag-iisip na mga tao ng mundo na suportahan ang pambansang pag-aalsa sa Bahrain.


782017
Name:
Email:
* Comment: