IQNA

14:30 - May 17, 2017
News ID: 2123848
Sinabi ng Punong Kalihim ng Pandaigdigang Pagtitipon ng Kalapitan ng mga Kawan ng Isipan ng Islam (WFPIST ) na ang paglikha ng Islamikong pagkamulat ang siyang pangunahing pagmamalasakit ni Imam Khomeini (RA).
Sa kanyang pagtalumpati sa ikatlong pagpupulong ng “Hekmat Motahhar,” tinuring din ni Ayatollah Mohammad Ali Taskhiri na mahalaga ang mga papel ni Martyr Motahhari at Martyr Sadr sa pagtataguyod ng Islamikong kilusan.

Ang pagpupulong ay ginanap noong ika-2 ng Mayo sa Organisasyon ng Islamikong Kultura at mga Ugnayan.
Tinukoy ni Ayatollah Taskhiri ang kasaysayan ng Islamikong pagkamulat at sinabing ang pagsibol ng Islamikong pagkamulat noong umpisa ng ika-20 na siglo ay dahil sa mga pagsisikap ng mga taong tulad ni Seyyed Jamaleddin Assadabadi at Muhammad Abduh.
Ayon sa kanya hinangad ng mga makapangyarihang mananakop na maiwaksi ang Islamikong pagkamulat upang palaganapin ang sekularismo, gumawa ng mga salungatan sa pamamagitan ng mga Islamikong bansa at panatilihing hindi umaasenso. “Sa tagumpay ng Islamikong rebolusyon sa Iran, lahat ng kanilang pag-asa ay nabigo.”
Idinagdag pa ng Punong Kalihim ng WFPIST na ang ugnayan sa gitna ng relihiyon at pulitika, Islamikong pagkakaisa, at ang pagsulong tungo sa pag-unlad at kaunlaran ang tatlong pangunahing tampok ng Islamikong Rebolusyon ng Iran na pinamunuan ni Imam Khomeini (RA). “Itong mga ito ay ganap na kabaligtaran ng mga layuning hinahangad ng mga kolonyalista na naghahangad na masugpo ang Islamikong pag-aalsa sa mundo ng mga Muslim.”
Ang pagpupulong ay ginanap sa Tehran sa anibersaryo ng pagkamatay ni Ayatollah Morteza Motahhari na tinaguriang Araw ng mga Guro sa Iran.

786376
Name:
Email:
* Comment: