IQNA

10:10 - May 21, 2017
News ID: 2125526
Daan-daang mga mag-aaral sa timog ng Lebanon ang dumalo sa isang kilos protesta upang tuligsain ang pagsunog ng banal na libro, ang Qur’an, sa ilalim ng pangangasiwa ni Pastor Terry Jones.
Ang pagtutol ay ginanap ng tahimik, kung saan pinag-ukulan ng pansin ng mga mag-aaral ang pinakamalaking Qur’an sa buong mundo sa Pamantasang Pandaigdig ng Lebanon. Dumalo ang Shia Sheikh ng Lebanon na si Sheikh Hassan al-Zayyat na siyang sumulat ng mga bersikulo ng Qur’an sa mga pahina na may laking 140 sentimetro ang haba at 72 sentimetro ang lapad.
Umaasa ang mga mag-aaral na ito ay papasok sa Guinness book of world records. Ayon sa kanila, ang hindi pag pansin sa mga pagpapagalit ang tanging paraan para tuligsain ang paglapastangan sa Qur’an dahil para sa kanila ang pagkakamali ng isang tao ay hindi mapangatwiranan ang pagkakamali ng iba.
Ayon sa kanila ang ginawang paglapastangang ito sa Qur’an ay nagpapatunay na hindi naniniwala si Pastor Terry Jones sa relihiyon.
Mga tagasunod ng iba’t-ibang mga relihiyon ang nagsama-sama sa protestang ito laban sa pagsunog ng Qur’an subali’t ang kanilang opinyon ay ipinahayag sa pamamagitan ng paggawa ng pinakamalaking Qur’an na may timbang na 100 na kilo.
777794
Name:
Email:
* Comment: